• Home
  • Fresh Scoops
  • Magsasama sa upcoming movie na ‘Labyu With An Accent’ sina Jodi Sta. Maria at Coco Martin.

Jodi Sta. Maria, mag-a-adjust ng gising para kay Coco Martin?

Magsasama sa upcoming movie na ‘Labyu With An Accent’ sina Jodi Sta. Maria at Coco Martin.

Jodi Sta. Maria, mag-a-adjust ng gising para kay Coco Martin?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/13/2022 06:55 PM
Jodi Sta. Maria, mag-a-adjust ng gising para kay Coco Martin?

Isa ang Kapamilya actress na si Jodi Sta Maria sa mga magiging bahagi ng 2022 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Labyu With An Accent kasama ng actor-director na si Coco Martin.

READ: Coco Martin, Jodi Sta. Maria, sanib-puwersa sa MMFF movie

Dahil ito ang unang beses na magsasama sa isang proyekto sina Jodi at Coco, aminado ang aktres na ramdam rin niya ang kaba sa pamaskong pelikula ng MMFF.


“Yes oo. Hindi ko alam. Actually kasi siguro mas kinakabahan,” sambit ni Jodi nang nakapanyam siya ng PUSH sa nagaanap na story conference para sa upcoming movie.

Nagkasama man sa ilang shoots para sa kanilang mga pinagsamahang endorsement deals, iba pa rin aniya ang kanyang nararamdaman ngayong magsasama sila sa isang pelikula.

READ: Coco Martin, kabado nga ba i-direk si Jodi Sta. Maria?

“May isang beses na nagkasama kami ni direk sa pictorial and then of course siyempre magta-trabaho kami hindi lang bilang artista, pero magiging director ko siya. So I had to ask questions talaga ano ‘yung working style niya, kasi siyempre kailangan kong mag-adjust doon, ultimo kung anong oras ba siya nagigising, para alam ko kung anong oras ba kami dapat nasa-set makapag-prepare at ma-adjust ko ang tulog ko,” ani Jodi.

Looking forward rin ang aktres na ma-experience ang istilo ni Coco na siyang tumayong direktor ng matagumpay na Kapamilya series na FPJ’s Ang Probinsyano na nagtagal ng pitong taon at isa sa mga masasabing longest-running TV Series sa Pilipinas.

“Tulad nga ng sabi niya na buhay e’, buhay ang istorya so hindi siya naka-kahon which means na there will be time and moments na ‘eto ang scene, sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin as your character and then magbatuhan na lang tayo’ so parang ako ‘yung parang ‘oh that’s nice’, kasi at the same time nakaka-kaba.”

Bago man para kay Jodi ang directing style ni Coco, up for challenge at hindi aniya uurungan ito ng Kapamilya actress.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

“Ako naman ang training ko sa industry was sobra akong naka-stick sa script naman, ‘yun kasi ang training ko na babasahin ko tapos ‘yung mga lines, lalagyan ko ng kung anong emosyon dito and underlying context nito. Pero wine-welcome ko rin ang challenge to be working with the kind of style na as direk Coco has.”

Ang Labyu With An Accent ay isa sa mga movie entry ng ABS-CBN Films kung saan gagampanan ni Coco ang karakter ng hardworking na si Gabo habang isang successful-Overseas Filipino Worker sa America naman si Jodi bilang si Trisha.

Sa huling linggo ng Setyembre aarangkada ang shoot ng MMFF movie entry ni Coco at Jodi bago lumipad sa America sa unang linggo ng Oktubre para kuhanan ang ibang eksena ng pelikula.

READ: Vice Ganda at Coco Martin balik-MMFF