• Home
  • Fresh Scoops
  • 2019 nang huling napanood si Vice Ganda at Coco Martin sa MMFF.

Vice Ganda at Coco Martin balik-MMFF

2019 nang huling napanood si Vice Ganda at Coco Martin sa MMFF.

Vice Ganda at Coco Martin balik-MMFF-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/08/2022 06:14 PM
Vice Ganda at Coco Martin balik-MMFF
Photo credits: @praybeytbenjamin & @official_coco_martin on Instagram

Bilang maagang paghahanda, inanunsyo na ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival o MMFF ang unang apat na pelikulang kalahok sa inaabangang taunang film festival.

Ngayong 48th Year ng MMFF, mas malalaking pangalan ang inaasahan na magiging bahagi ng film festival na pangungunahan na ng dalawa sa suki ng MMFF: ang Kapamilya host na si Vice Ganda at Kapamilya star na si Coco Martin na pangungunahan ang kani-kanilang projects.

Bukod kay Vice at Coco, kasama rin sa mga aabangan ang sexy actress na si Ivana Alawi at Kapamilya prime actress na si Jodi Sta Maria.


Una na dito ang Labyu With An Accent by ABS-CBN Film Productions, Inc. starring Coco Martin and Jodi Sta Maria.

Sa movie under Rein Entertainment Production na Nanahimik Ang Gabi, sina Ian Veneracion, Mon Confiado, at Heaven Peralejo naman ang mga bibida.

The Teachers by Ten17 Productions starring Joey De Leon and Toni Gonzaga ay kasama din sa MMFF.

Partners In Crime by ABS-CBN Film Production, Inc and Viva Films naman ang project nina Vice Ganda and Ivana Alawi.

Taong 2019 nang huling napanood si Vice sa The Mall, The Merrier kasama si Anne Curtis at si Coco sa 3pol Double, Huli Ka Balbon.