• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasado na ang pagsasama nila Coco Martin at Jodi Sta. Maria sa MMFF 2022 movie entry na ‘Labyu With An Accent’.

Coco Martin, Jodi Sta. Maria, sanib-puwersa sa MMFF movie

Kasado na ang pagsasama nila Coco Martin at Jodi Sta. Maria sa MMFF 2022 movie entry na ‘Labyu With An Accent’.

Coco Martin, Jodi Sta. Maria, sanib-puwersa sa MMFF movie-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/07/2022 04:23 PM
Coco Martin, Jodi Sta. Maria, sanib-puwersa sa MMFF movie

Sanib-puwersa para sa mas masayang Kapaskuhan ang handog ng Kapamilya stars na sina Coco Martin at Jodi Sta. Maria sa Labyu With An Accent.

Ang pagsasamahang proyekto ni Coco at Jodi ay isa lamang sa mga pelikulang aabangan sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival 2022 ngayong darating na Kapaskuhan.

READ: Vice Ganda at Coco Martin balik-MMFF


Sa naganap na story conference, masayang ibinahagi nina Coco at Jodi ang kanilang pananabik sa kanilang unang movie project together.

“Ako honestly, sobrang excited. Kasi, sabi ko nga napakapalad ko nga na makakatrabaho ko si Jodi kasi isa siyang napaka-professional at napakahusay na artista at aktres,” bungad ni Coco sa panayam.

Ayon kay Coco, na siya ring direktor ng MMFF 2022 entry, isa itong paraan nila ng pasasalamat sa mga sumuporta sa kanilang mga ginawang proyekto sa telebisyon tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano na pitong taon na sinamahan ng Pilipino.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

“Siguro ito na rin ang way ng pasasalamat namin sa mga taong tumangkilik at sumama sa amin sa aming mga teleserye. Kaya ngayong Pasko, ito ang ihahandog at ireregalo namin sa kanila.”

Labis na pananabik rin ang nararamdaman ngayon ni Jodi na excited rin sa experience na maging direktor si Coco.

“Ako naman sobrang thankful ko na mapabilang sa proyekto na ito and siyempre, makatrabaho ko si Mr. Coco Martin ‘di ba? Hindi ko lang siya leading man dito and first time na makakatrabaho ko siya bilang director and sobra akong excited na ma-direk ng isang Coco Martin na alam naman natin na napakataba ng utak at napakagaling na aktor,” ani Jodi.

Ayon rin kay Jodi, isa itong masayang regalo na handog nila matapos ang successful Kapamilya series na ginawa niya mula sa Ang Iyo Ay Akin at The Broken Marriage Vow na minahal ng maraming manunood.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

“I am just so grateful to be part of this whole project and to be given the opportunity and to give back doon sa lahat ng mga tao na patuloy na sumuporta ng mga proyekto namin and also to really, alam mo, ‘yung magpasalamat sa kanila in our own little way by doing this project na we know na ang Christmas season ay maging masaya, exciting para sa ating mga kababayan.”

Ayon pa kay Coco na bumuo ng konsepto ng proyekto, personal choice niya si Jodi na maging bahagi ng kuwento na kanilang handog ngayong Kapaskuhan.

“Sobrang gusto ko talaga na makasama si Jodi sa isang teleserye, kasi noong naiisip ko kasi ang concept noong binubuo namin ang kuwento, nakita ko kasi na bagay na bagay kay Jodi ‘yung character. Sabi ko nga tulad ng kuwento naming dalawa na hindi nalalayo sa amin kasi na-experience na namin na nagtrabaho sa abroad. Kung ano ang pinagdaraanan ng mga Pilipino doon kaya, kaya naming ikuwento, at kaya naming gampanan kung ano ang character na gagawin namin dito. And at the same time, ano ‘yung mga bago naming maibibigay sa mga manonood. Kasi ito na sana ang pagabablik ng ating mga pelikula ngayong darating na Kapaskuhan.”

Bilang direktor, masaya rin si Coco na napa-oo niya agad Jodi na maging bahagi ng proyekto.

“Hindi naman (mahirap mapa-oo) kasi si Jodi naman I’m sure na kapag alam niya na maayos at maganda ‘yung pelikula na gagawin niya, siyempre iko-consult ko muna. Kasi kilala ko si Jodi na matalino siyang artista e. Kaya sinigurado ko na ‘yung character niya and ‘yung buong kuwento nong pelikula na gagawin namin ay maganda and maayos. Kasi ayoko mapahiya talaga sa kanya, kaya hindi naman ako nahirapan,” ani Coco.

Bilang suki ng MMFF, aminado rin si Coco na may kaba pa rin siyang nararamdaman sa kanilang pagbabalik sa taunang film festival.

“Oo naman. Pero excited ako more than anything kasi, sabi ko nga pakiramdam ko kasi regalo ‘to na nag-gi-give back. Kaya sabi ko dapat maganda ang pelikula mo e, yung alam mong mahirap mag-ipon alam naman natin na importante ang pera na ilalabas. Tapos ang mga Pilipino talaga, pinaghahandaan talaga nila yan every Christmas. ‘Yun kasi ang bonding nila and reunion ng pamilya nila. Kaya kailangan, ‘yung ibabayad nila sa sine, sulit. Kaya sobra kaming excited at sisiguraduhin namin na matino at maganda ang pelikulang ilalabas namin,” tugon ni Coco.

Sundot ni Jodi; “Worth it ang ilalabas nilang money.”

Ang Labyu With An Accent ay isa sa mga movie entry ng ABS-CBN Films kung saan gagampanan ni Coco ang karakter ng hardworking na si Gabo habang isang successful-Overseas Filipino Worker sa America naman si Jodi bilang si Trisha.

Sa huling linggo ng Setyembre, aarangkada ang shooting nila bago lumipad sa America sa unang linggo ng Oktubre para kuhanan ang ibang eksena ng pelikula.