• Home
  • Fresh Scoops
  • Bahagi si Coco Martin at Jodi Sta. Maria ng 2022 Metro Manila Film Festival para sa entry na “Labyu With An Accent.”

Coco Martin, kabado nga ba i-direk si Jodi Sta. Maria?

Bahagi si Coco Martin at Jodi Sta. Maria ng 2022 Metro Manila Film Festival para sa entry na “Labyu With An Accent.”

Coco Martin, kabado nga ba i-direk si Jodi Sta. Maria?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/12/2022 06:35 PM
Coco Martin, kabado nga ba i-direk si Jodi Sta. Maria?

All set na para sa kaniyang pagbabalik-MMFF this year ang Kapamilya actor na si Coco Martin para sa pamaskong pelikula na “Labyu With An Accent” kasama si Jodi Sta. Maria.

READ: Coco Martin, Jodi Sta. Maria, sanib-puwersa sa MMFF movie

Ayon sa aktor at direktor rin ng upcoming MMFF entry, hindi naging mahirap para sa kanya na mapa-oo niya ang Kapamilya actress na maging bahagi ng kaniyang pelikula at konsepto para sa gagawing proyekto.


“Hindi. Kasi si Jodi naman I’m sure na kapag alam niya na maayos at maganda ‘yung pelikula na gagawin niya, siyempre iko-consult ko muna,” bungad ni Coco sa panayam. 

Kuwento pa ng Kapamilya actor, sinigurado niyang malinis at pulido ang bawat detalye bago niya tanungin si Jodi Sta. Maria.

“Kasi kilala ko si Jodi na matalino siyang artista eh. Kaya sinigurado ko na ‘yung character niya and ‘yung buong kuwento nong pelikula na gagawin namin ay maganda and maayos. Kasi ayoko mapahiya talaga sa kanya, kaya hindi naman ako nahirapan,” ani Coco.

Bilang first time na magkakasama para sa isang proyekto, aminado si Coco na kabado siya bilang director lalo pa’t kilala bilang isang mahusay na aktres si Jodi.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

“Honestly, ako as a co-actor ninerbyos ako kasi sobrang galing talaga ni Jodi. Isa siya sa mga pinakamagaling na aktres sa Pilipinas. Pero as a director, doon ako na-cha-challenge kasi alam kong matalino siya eh’, alam kong magaling siya eh,” sambit ng actor-director.

Dagdag pa niya: “Ang ina-ano ko lang ay kung paano kami mag-meet kasi sa umpisa talaga medyo mahirap, kasi ibang-iba ‘to.”

Kumpiyansa rin si Coco na magkakasundo sila ng Kapamilya actress sa paraan niya bilang isang direktor.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

“Ako naman bilang artista na nagdi-direk na rin, may tiwala kasi ako sa co-star ko eh. Parang kung ano ang gusto ko, siya ang magbigay ng buhay. Kunwari ito ‘yung script, ito lang ‘yung hindi,” ani Coco.

“Gusto ko, mayroon rin siyang part at siya ang bumuhay ng character niya. Kaya sinasabi ko nga na trabaho mo ‘yan bilang artista, trabaho ko ‘to bilang director, mag-meet tayo halfway,” dagdag apa niya.

Diin pa ni Coco: “Sobra ang tiwala ko kay Jodi. Kaya ako, honestly, kinakabahan bilang artista. Pero as a director, feeling ko maning-mani sa kanya ‘to” pahayag ni Coco.

Ang Labyu With An Accent ay isa sa mga entries ng ABS-CBN Films kung saan gagampanan ni Coco Martin ang karakter ng hardworking na si Gabo habang isang successful-Overseas Filipino Worker (OFWS) sa America naman si Jodi bilang si Trisha.

Sa huling lingo ng Setyembre, aarangkada na ang shoot ng MMFF entry nina Coco at Jodi bago lumipad sa America sa unang lingo ng Oktubre para kuhanan ang ibang eksena ng pelikula.