• Home
  • Fresh Scoops
  • Gawa na ang dream house ni Brenda Mage sa Cagayan de Oro City.

Ipinatayong dream house ni Brenda Mage sa probinsya, inspired sa ‘PBB’ house

Gawa na ang dream house ni Brenda Mage sa Cagayan de Oro City.

Ipinatayong dream house ni Brenda Mage sa probinsya, inspired sa ‘PBB’ house-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

08/29/2022 02:11 PM
Ipinatayong dream house ni Brenda Mage sa probinsya, inspired sa ‘PBB’ house
Photo credit to @iambrendamage Instagram

Nakapagpatayo na ng kanyang dream house sa kanilang probinsya sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental ang komedyante at dating Pinoy Big Brother housemate na si Brenda Mage. Katas ng pagiging vlogger ang ipinapatayo ni Brenda sa kanyang bahay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)

Ayon sa komedyante, ang bahay niya ay inspired mula sa pinakasikat na bahay sa bansa – ang Pinoy Big Brother house kung saan tumira din siya ng ilang linggo. Tapos na rin ang house blessing ng kanyang dream house.


“Nag umpisa ang lahat sa pangarap, ngayon nagbunga na ang aking pagsisikap,” masayang pahayag ni Brenda.

READ: Brenda Mage is proud of his new non-showbiz boyfriend: ‘Anu ngayon kung pera lang habol sa’kin?’

Patuloy nito: “Huwag mong hayaan na ang iyong pangarap ay manatiling pangarap lang. Tagumpay ang plano!”dagdag pa niya.

Balak ding magpatayo ni Brenda ng basketball court at volleyball court sa kanilang para sa kanyang mga kapitbahay.

“Ang next project ko basketball [court] and volleyball court para naman sa mga kapitbahay at kamag-anak ko na mahilig sa sports na alam kong gusto talaga nila dahil ako mismo during my childhood, player din ako ng basketball. Magandang function din ‘tong laro para maiwas sa mga masasamang bisyo,” pagbabahagi  pa niya.

READ: Brenda Mage, nagpapasalamat sa kanyang bashers

Bukod sa kanyang mansion ay gusto rin ni Brenda na maipaayos ang bahay ng kanyang ina na katabi lang ng kanyang ipinagawang bahay. Sinisimulan na raw niyang pag-ipunan ang para dito.

Masasabing lubos na ang kasiyahan ngayon ni Brenda dahil bukod sa kanyang mansion ay bongga rin ang status ng kanyang love life. Tanggap kasi siya ng pamilya ng boyfriend niyang si Gio Sta. Ana na madalas bumiyahe papuntang Cagayan de Oro para lang magkasama silang dalawa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)

Samantala, si Bryan Roy Tagarao na mas kilala bilang Brenda Mage ay naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Napasama siya sa final 5 ng celebrity edition ng reality show kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo, Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

READ: Brenda Mage apologizes to netizens for his actions: ‘Tao lang po’

Nagdesisyon si Brenda na  mag-quit sa showbiz dahil hindi niya kaya ang mga intriga na nagsimula nung magkaroon sila ng feud ni Alexa Ilacad inside the PBB house.