• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinuwento ni Sharon kung kanino niya ipapamana ang kanyang koleksyon.

PANOORIN: Sharon Cuneta, ibinida ang mga mamahaling bags

Ikinuwento ni Sharon kung kanino niya ipapamana ang kanyang koleksyon.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/01/2020 05:57 PM
PANOORIN: Sharon Cuneta, ibinida ang mga mamahaling bags
Photo Credit Sharon Cunete Network on YouTube

Maliban sa kanyang nakakalulang koleksyon ng mga relo, meron ding koleksyon ng mga mamahaling bag si Sharon Cuneta.

Kuwento ni Sharon, napagdesisyonan niyang ipakita ang mga ito dahil sa kaliwa’t-kanang kahilingan ng kanyang mga tagahanga. 

Read:WATCH: Sharon Cuneta shows off vintage watch collection, dedicates new vlog to her bashers


This is highly-requested. Marami nang nagsasabi na please, please bag collection. Hindi ko naman po yata kaya ipakita ang buong bag collection ko. Pero I brought some of my favorites so I’ll share them with you,” ani Sharon.

Bagama’t nagdadalawang-isip siyang ipakita ang mga ito dahil sa posibilidad na umani siya ng batikos lalo pa’t nasa kalagitnan ng pandemya, itinuloy pa rin ito ng Megastar para sa kanyang mga taga-suporta. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Pixie, named after Tinkerbell’s “Pixiedust,” is my newest & youngest furbaby at 3 months old. She is soooooo sweet and smart. Potty-trained from Day One. She’s been with us a week and two days now and loves playing and running with her Kuya Miguel. He loves her so much! I am so in love with her as she is smart and really malambing! Selos talaga si Daisy grabe. Katabi ko naman matulog! Extra effort ako sa lambing kay Daisy now pero OA na ha! Someone a bit younger - but the biggest girl of them all so far (biggest I will have ever had, actually) is coming soon! You’ll be meeting her too. These babies have no idea...💖🙏🏻😊 #Repost from @prettybubbledog • Pixie the Coton de Tulear 🌟 is happy to be with Ms. Sharon Cuneta @reallysharoncuneta 🥰🥰🥰 #ThankYou #PrettyBubbleDog

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

 

Like I said before, It’s the time of the pandemic, and I didn’t think it was a good idea to show all these things at this time. But, on the second thought, we said ‘When is the pandemic going to end?’ So we’re doing it now, hoping that it satisfies your requests for this kind of video,” saad niya.

Read:LOOK: Sharon Cuneta provides jobs to many construction workers amid pandemic

Isa sa mga hindi malilimutang bag na binili ni Sharon ang kanyang Crocodile Birkin bag na aniya’y naging sentro ng usap-usapan nang makita siya ng press na gamit ito noong mga panahong may pinagdadaanan sila ni Kiko Pangilinan.  

Naging emosyonal naman si Sharon nang ipasilip niya ang huling bag na ginamit ng kanyang nanay bago ito dalhin sa ospital hanggang sa ito ay tuluyang namayapa. 

Read:Sharon Cuneta to build new home for her children

Ilan sa mga bags na ipinakita ni Sharon ay Louis Vuitton Amarante Monogram Vernis Melrose Avenue, Louis Vuitton Brea Purple Crocodile Leather, Hermés Birkin Thallase Epsom Periwinkle Leather, Hermés Togo Leather with Gold hardware, Chanel Vintage Chain bag, Louis Vuitton Pomme D’Amour Monogram Vernis Alma GM, Hermés Birkin Rose Lipstick, Hermés Black Kelly, at Louis Vuitton Twist PM Crocodilien Brilliant Noir. 

Panoorin ang vlog ni Sharon sa ibaba: 

 

 

Bagama’t aminadong binibilhan ito ng kanyang namayapang ama nang iba’t-ibang mamahaling gamit noong ito ay nabubuhay pa, sinabi ni Sharon na natutunan niyang bumili ng paunti-unti lalo pa noong nagsimula na siyang kumita ng sarili niyang pera. 

 

 

When I was already working hard and earning money, I wouldn’t go into a store and buy fifty things. I’m not the type. I would buy three things, let’s say, that I loved so much,” aniya. 

Read:Sharon Cuneta makes a startling admission: ‘I wouldn’t have married so early’

Pagpapatuloy pa ni Sharon, naniniwala siyang magandang mamumuhan sa mga bags na gaya nito dahil kung ibebenta umano ang mga kagaya ng kanya na nasa maayos na kondisyon ay malaki umano ang halaga ng mga ito. 

The thing is, there are also investment pieces. Remember, I also buy investment pieces,” sambit niya. 

Ani pa ni Sharon: “Kung sino ang magmamana, kung sino ang pinakamabait.”