• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinaliwanag naman nina Kim Chiu at Xian Lim kung bakit hindi na sila nag-a-I Love You sa isa’t-isa sa social media.

Kim Chiu at Xian Lim, never nagkaroon ng matinding away sa kanilang relasyon

Ipinaliwanag naman nina Kim Chiu at Xian Lim kung bakit hindi na sila nag-a-I Love You sa isa’t-isa sa social media.

Kim Chiu at Xian Lim, never nagkaroon ng matinding away sa kanilang relasyon-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/19/2022 04:48 PM
Kim Chiu at Xian Lim, never nagkaroon ng matinding away sa kanilang relasyon
Photo credit to @xianlimm Instagram

Hindi kailanman nagkaroon ng matinding away ang magkasintahng Kim Chiu at Xian Lim na puwedeng maging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ayon mismo sa real life couple na bida ng pelikulang Always, maliliit na tampuhan lang ang meron sila pero kaagad din daw nila itong inaayos bago sila matulog.


Minsan ay sinasadya rin ni Kim na asarin si Xian pero hindi raw siya pinapatulan ng boyfriend.

“Sometimes lang po kasi hindi niya ako pinapatulan,” pagtatapat ng aktres. “Sabi niya, ‘Usap na lang tayo bukas.’ ‘Ay, wala na. Hindi na ako galit bukas,’” sabi pa niya.

Dito napatunayan ni Kim kung gaano kabait na boyfriend si Xian.

“Ganun po siya na tao. So, sobrang madalang lang po talaga kaming mag-away. Hindi niya po ako papatulan kapag ganun. Parang… ‘Ano ba yan? Nakipag-away ako. Wag na lang.’ Yung mga ganun,” natatawang kwento ni Kim. 

READ: Kim Chiu reunites with Xian Lim

Reaksyon naman ni Xian sa pahayag ng kanyang girlfriend, tumatahimik lang din naman daw si Kim kapag siya naman ang galit. 

“Vice versa lang din. Pag ako naman yung galit, parang ganito, ‘Kim, away naman tayo,’ hindi niya ako pagbibigyan,” natatawang sabi ng aktor. 

“Pero, ‘di ba, ‘yung dynamics natin pag nag-aaway tayo is tapusin na siya kaagad?” hirit pa niya.

Halos isang dekada nang magkarelasyon sina Kim at Xian na aminadong noong mga unang taon nila bilang magkasintahan ay nag-aaway din naman sila pero nagbago na raw ito over the years. 

Ani Xian: “Siguro nung una, nung mga bago-bago pa kami, nagpapakipot si Kim, naggagalit-galitan ako. Pero ngayon kasi parang we make sure na bago kami matulog eh magkakabati na agad kami. Pag-usapan na, tapusin na. Pag-usapan na ang kailangang pag-usapan.”

Susog naman ni Kim: “Sabi niya, ‘Tama na. Magbabati din tayo mamaya.’ ‘Huh? Pinapatagal ko pa kasi.’ Yung mga ganu’n.”

“Tapos nagtatawanan na lang kami. Parang galit talaga kami, ganito, ganito pero pag nagkatinginan kami sa isa’t isa natatawa na lang kami,” dagdag pa ni Xian.

Maraming KimXi fans naman ang nagtataka kung bakit tila hindi na ra  nag-a-“I love you” si Kim kay Xian sa Instagram. Eh, bakit nga ba?

Paliwanag ni Kim: “Hindi naman kailangang sabihin sa social media ang lahat ng gusto mong sabihin sa isang tao. Personal na buhay na namin ‘yun. So siguro meron din kaming sariling desisyon kung ano ang ipo-post namin sa hindi.”

READ: Xian Lim shares snippet of new film with Kim Chiu

“And hindi naman natin maiwasan sa fans na humingi nang humingi. Depende na lang kung ano ang ibibigay mo sa personal mong buhay. Ganu’n po,” dagdag pa niyang paliwanag. 

Mapapanood sa mga sinehan simula September 28, 2022 ang Always na Pinoy adaptation ng sikat na South Korean movie. Ang pelikula ay mula sa direksyon ni Dado Lumibao and produced by Viva Films.