• Home
  • Fresh Scoops
  • Naikuwento rin ni Nico Locco ang pagpunta niya ng Thailand kung saan namatay ang kanyang talent manager na si Shandii Bacolod.

Model-actor Nico Locco shares personal encounter with the richest transgender in the world Anne Jakrajutatip

Naikuwento rin ni Nico Locco ang pagpunta niya ng Thailand kung saan namatay ang kanyang talent manager na si Shandii Bacolod.

Model-actor Nico Locco shares personal encounter with the richest transgender in the world Anne Jakrajutatip-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/09/2022 04:42 PM
Model-actor Nico Locco shares personal encounter with the richest transgender in the world Anne Jakrajutatip
Photo credit to @annejkn.official Instagram

Habang may ginagawang proyekto ang model-actor na si Nico Locco sa Bangkok, Thailand ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala nang personal ang Thai transgender billionaire at businesswoman na si Anne Jakrajutatip.

Si Anne ay na-link noon sa model at ex-boyfriend ni 2018 Miss Universe Catriona Gray na si Clint Bondad, Ayon pa sa balita, nagkaroon sina Anne at Clint ng love affair bagama’t hindi naman ito inamin ng trans billionaire at ni Clint mismo.

“It was an amazing opportunity. I was working with the current richest trans in the world, she is a billionaire,” pagmamalaki sa press ni Nico nangipakilala siya bilang pinakabagong contract star ng Viva Artists Agency.


Bukod sa kanya ay kung sinu-sino na rin daw na mga sikat na celebrities ang nakatrabaho ni Anne.

“Big names have worked with her, Clint Bondad, Kirk Bondad, other Bollywood actors, such huge Bollywood actors, so she’s bringing in a lot of international [stars].

“It was just a pleasure to work with her. She is a character. I mean, I’ve never really met somebody like her before and the line of work was strenuous. Very tiring days but very rewarding,” kuwento pa ni Nico.

READ: Thai billionaire Anne Jakrajutatip dedicates message to ABS-CBN: 'I know we will work again one day'

Ibinahagi rin ng binata na gusto niya ulit makatrabaho ang pinakamayamang transgender ng Thailand.

Aniya, “Of course, I hope to work with her more in the future kasi she has a big network there and a big production. Really cool opportunity. Again, it’s another one to add to the list in terms of international projects.”

Naikuwento rin ni Nico na naging malungkot at unforgettable ang pagpunta niya ng Thailand nitong June dahil doon namatay ang film producer, director, at talent manager niyang si Shandii Bacolod na kasama niya that time sa Thailand. Si Shandii ay namatay nung June 8 dahil sa cardiac arrest.

“Unfortunately, the experience I was expecting, it end up… I wouldn’t say it was an enjoyable time because of what happened, pero thankful pa rin ako sa opportunity,” wika ni Nico.

READ: Thai transwoman reveals Clint Bondad has been living with her for nine months now

Halata kay Nico na umiiwas siyang pag-usapan ang nangyari sa kanyang manager na director at producer ng BL film na Love At The End of the World na pinabibidahan niya.

“I can’t really make kuwento. I will say no comment on the details on that. Siyempre, Shandii was very close to me. She’s my manager. Shandii gave me a big break three years ago in Culion. It was a Metro Manila Film Festival movie.

“And again, that was around the time when I won an acting award for Sabado, so it really propelled my career. I was always wowed by Shandii’s work ethics. Her talent as a producer and eventually, as a director for Love at the End of the World. I have lots to thank for Shandii para sa career ko.

“With what happened in Thailand, I will leave a no comment, pero we’re all deeply sad,” malungkot na pahayag ng new Viva artist.