• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinabulaanan ni Moira Dela Torre ang mga kumakalat na kwento na niloko niya rin ang dati niyang asawa na si Jason Marvin Hernandez.

Moira Dela Torre, binasag ang katahimikan: ‘I have never cheated on Jason’

Pinabulaanan ni Moira Dela Torre ang mga kumakalat na kwento na niloko niya rin ang dati niyang asawa na si Jason Marvin Hernandez.

Moira Dela Torre, binasag ang katahimikan: ‘I have never cheated on Jason’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

06/04/2022 12:40 AM
Moira Dela Torre, binasag ang katahimikan: ‘I have never cheated on Jason’
Photo credit to @jasonmarvinph & @moiradelatorre on Instagram

Nagsalita sa unang pagkakataon ang singer na si Moira Dela Torre matapos silang maglabas ng dati niyang asawa na si Jason Marvin Hernandez ng isang pahayag tungkol sa desisyon nilang tapusin ang kanilang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Ito ay kabila ng kaliwa’t-kanang spekulasyon tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

 


 

Ani Moira, masakit para sa kanya ang malaman ang mga rebelasyon tungkol sa kanilang pagsasama nitong nakaraang dalawang taon lalo pa’t hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan sa buhay.

“For those of you who know my story, you can imagine the long journey of grieving and healing I have ahead of me. The revelations of things that happened over the last two years have been difficult, painful, and heartbreaking to process,” aniya.

Dito, nilinaw ni Moira na hindi totoo ang mga kumakalat na balita na nagawa niya ring lokohin si Jason. Una nang inamin ni Jason na kasalanan niya kung bakit nahantong sa pagtatapos ang relasyon nila.

“In spite of the pain I’m experiencing, let me set the record straight. While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows and I have never cheated on Jason,” ani Moira.

Kaya naman nakiusap si Moira na tigilan na ang pag-iimbento ng mga istorya na wala umanong katotohanan lalo pa’t nasasaktan din ang kanilang pamilya sa mga pangyayari.

“This has not been easy on either of us and our families. I only wish to put an end to the speculations regarding what happened between Jason and I. Though we’re no longer together, it still hurts to see fabricated stories being told about us — most of which are so far from the truth,” aniya.

READ: Moira Dela Torre at Jason Marvin Hernandez, hiwalay na; pangangaliwa, kumpirmado

“The both of us still have a long way to go when it comes to healing and we ask for respect during this difficult time,” dagdag pa niya.

Inamin naman niya na baga’t hindi niya alam ang maaaring mangyari sa kanilang relasyon, mananatili umano siyang puno ng pag-asa.

“I don’t know what the future holds, but hope continues to be the song that I sing. Even in — especially in pain — I will continue to place my complete trust in the one who has never let me down,” aniya.

Sinabi naman nito na pinaghuhugutan niya ng lakas ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya sa kabila ng kanyang pinagdadaanan ngayon.

https://push.abs-cbn.com/2022/6/2/fresh-scoops/moira-dela-torres-handler-breaks-silence-200361

“My heart, though still navigating this unexpected season, feels full because of all of your comforting messages,” aniya.

Mensahe naman ni Moira sa mga gaya niyang nakaranas ng panloloko: “To those who are going through the same journey as me, I hear you and I send you love.”