• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Jason Marvin Hernandez na nangaliwa siya sa kalagitnaan nang pagsasama nila ni Moira Dela Torre.

Moira Dela Torre at Jason Marvin Hernandez, hiwalay na; pangangaliwa, kumpirmado

Inamin ni Jason Marvin Hernandez na nangaliwa siya sa kalagitnaan nang pagsasama nila ni Moira Dela Torre.

Moira Dela Torre at Jason Marvin Hernandez, hiwalay na; pangangaliwa, kumpirmado-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/31/2022 08:35 PM
Moira Dela Torre at Jason Marvin Hernandez, hiwalay na; pangangaliwa, kumpirmado
Photo credits: @jasonmarvinph on Instagram

Kinumpirma ng Kapamilya singer na si Moira Dela Torre at ni Jason Marvin Hernandez na tinapos na nila ang kanilang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa. 

Sa Instagram, ipinost ni Jason ang joint statement nila ni Moira kung saan humingi silang mag-asawa ng pribadong oras. 


Dito, ipinaliwanag din nila ang desisyon niyang tuldukan ang kanilang relasyon. 

READ: Jason Marvin Hernandez, pinabulaanan ang isyung hiwalayan kay Moira Dela Torre: ‘Hindi nangaliwa si Moira’

“It is with a heavy heart that after 3 years of marriage, we announce that we are parting ways. Our love and respect for each other remains. We request for privacy during this difficult time,” ayon kina Jason at Moira. 

Samantala, sa caption ng nasabing Instagram post, sinabi ni Jason na ito na marahil ang pinakamasakit na bagay na kinailangan niyang isulat. 

“This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me,” ani Jason. 

READ: Ogie Diaz says source told him Moira Dela Torre deleted her photos with her husband following misunderstanding

Pagbabahagi ni Jason, inamin niya kay Moira na nangaliwa siya sa kalagitnaan ng kanilang relasyon — dahilan kung bakit nahantong sila sa hiwalayan. 

“3 years ago, I married my best friend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage,” aniya. 

READ: Moira Dela Torre shares post amid breakup rumors with husband Jason Marvin Hernandez

“I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a ‘peaceful’ but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better,” dagdag pa niya. 

Humingi rin siya ng tawad kay Moira at sinabing: “From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi.”

Unang lumabas ang isyu tungkol sa kanilang hiwalayan noong Abril. Agad naman itong pinabulaanan nina Moira at Jason noong mga panahong iyon.