• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi daw tumupad sa usapan ang organizers ng Man of the World kaya nag-walkout si Toni Fowler.

Toni Fowler naimbiyerna sa organizers kaya nag-walkout sa Man of the World pageant

Hindi daw tumupad sa usapan ang organizers ng Man of the World kaya nag-walkout si Toni Fowler.

Toni Fowler naimbiyerna sa organizers kaya nag-walkout sa Man of the World pageant-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/23/2022 05:59 PM
Toni Fowler naimbiyerna sa organizers kaya nag-walkout sa Man of the World pageant
Photo credits: @tonifowlerpo on Instagram

Nag-walkout ang social media influencer at vlogger na si Toni Fowler sa coronation night ng international male pageant na Man of the World na ginanap sa Baguio City noong June 18.

Ayon kay Toni sa in-upload niyang video, inimbitahan daw siya ng mga organizers ng Man of the World para maging isa sa mga judges during the finals night ng pageant pero hindi raw ganun ang nangyari kaya naimbiyerna siya at nilayasan na lang ang event.

“Bakit ba ako nag-walk out? Masama yung loob ko ngayon kasi the reason why andito ako is nag-judge ako ng Man of The World. Pagkarating ko dito ngayon, eh, parang nakikipag-negotiate pa raw kung judge ba ako o hindi, but nasa VIP seat naman ako,” lahad ni Toni.


READ: India, waging Man of the World 2022

Dagdag pa niya, nag-invest din daw siya ng panahon at gumastos pa para sa kanyang outfit para lang sa naturang event. Hindi rin daw siya nagpabayad sa organizers dahil alam niyang charity event ito.

“Medyo busy kasi akong tao. Ito kasi yung mahirap, eh. Charity work ‘to, hindi ako bayad. I’m just here to help kasi may mga magbe-benefit dito na ibang tao kapag alam mo yun, nagpo-promote ka ng mga ganitong klaseng events. So, hindi worth ng oras ko na yung ipinunta ko dito,” himutok ng vlogger.

Ayon pa kay Toni, maging ang hotel na ibinigay sa kanya ng mga organizers ay nilayasan din niya dahil ayaw na niyang makipag-usap sa mga ito. Sobrang na-offend daw kasi talaga siya sa ginawa ng mga ito sa kanya. Humingi naman daw ng paumanhin sa kanya ang mga organizer pero dinedma lang niya ito.

“This is too much. Nag-dress ako for this, nagpatahi ako for this. Nandito ako para mag-judge at maging part ng coronation ng Man of The World dahil ako po yung kinulit, pero ganun ang nangyari,” sabi pa niya.

READ: Toni Fowler reveals her family wanted her to get an abortion: ‘Lahat sila tinakwil nila ako’

Ang ending, naghanap na lang daw sila ng panibagong hotel sa Baguio kasama ang kanyang dyowang si Vince Flores pati na rin ang iba pang members ng ToRo Family.