• Home
  • Fresh Scoops
  • Vlogger Toni Fowler shares the story behind her becoming a single parent to her daughter Tyronia.

Toni Fowler reveals her family wanted her to get an abortion: ‘Lahat sila tinakwil nila ako’

Vlogger Toni Fowler shares the story behind her becoming a single parent to her daughter Tyronia.

Toni Fowler reveals her family wanted her to get an abortion: ‘Lahat sila tinakwil nila ako’-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

05/30/2022 09:23 AM
Toni Fowler reveals her family wanted her to get an abortion: ‘Lahat sila tinakwil nila ako’
Photo credit to @tonifowlerpo Instagram

As one of the most popular and controversial social media personalities in the country, Toni Fowler is known both for her outspoken personality and her colorful love life. During a tell all interview with Toni Talks host Toni Gonzaga, the 27-year-old YouTuber shared the how she first tried to make it in showbiz more than a decade ago.

“Pangarap ko talaga noon maging sikat na dancer. Nung una gusto ko din talaga maging artista eh. Parang lahat ng bata yan yung pangarap.

“Pero mula noon, mula nung bata ako hanggang sa tumanda ako, lagi akong nag-pa-practice na may nag-i-interview sa akin. Grade three ako naglalagay ako ng pulbos tapos kunwari ini-interview ako. Kasi gusto ko talaga sumikat. Gusto kong makilala,” she said. 


READ: Vlogger Toni Fowler gives a tour of her new mansion: ‘Welcome to Toro de Palacio’

Toni revealed that her first encounter with the former Pinoy Big Brother host was in 2009 when she was one of the pioneer dancers of It’s Showtime.

“Back up dancer ako nun sa Showtime tapos nakita ko siya. Siyempre magkapangalan kami, Toni, ganun. Tapos pagkakita ko sa kanya backstage, lumapit ako sa kanya sabi ko, ‘Miss Toni!’ Tahimik lang siya. Sabi ko, ‘Ang sungit naman nito! Ang sungit pala nito.’ Para bang masaya lang siya tingnan sa TV pero hindi siya happy kid, ganun.

“Pero nung medyo nakilala ako, naintindihan ko na. Pag may ginagawa ka, minsan may kausap ka pa tapos mag-pe-perform ka or kakanta ka or sasayaw ka tapos may mga makukulit. Naintindihan ko na. Akala ko masungit si Ms. Toni pero mali pala ako. Pasensya na judgmental ako (laughs). 19 pa lang ako nun eh,” she recalled. 

WATCH: Toni Fowler: ‘Hindi ako nagbayad sa award ko’ | PUSH Daily

Growing up with a large extended family. Toni revealed she had to find work right out of high school because of poverty.

“After high school, wala ng pampaaral kaya pano ba? Kaya nag-try ako mag-call center. Eh bobo di ba? (laughs). Bale yung tatay ko mambubudol. Sampu ang pinakasalan ng tatay ko at 30 kaming magkakapatid sa kanya. Hindi lang ako ma-open sa part ko na yun kasi yung family ko hindi sila support sa akin eh. Ang mommy ko nasa ibang bansa. Nagkatulong siya, nag-janitor. OFW yung mommy ko. So ngayon andun pa rin siya. Kaya talagang nag-iipon ako para mapauwi ko siya. Pero ayaw pa niya umuwi eh,” she revealed. 

READ: Vlogger Toni Fowler slams DJ Loonyo’s claims: ‘Wag ka nang mambaliktad’

It was during her three-year stint on It’s Showtime that Toni first met the father of her only daughter Tyronia.

“Contestant siya eh so sumasayaw. Sabi ko, ‘Uy parang ang pogi neto ah.’ Ganun yung mga eksena namin. So ayun, nagkuhaan kami ng numbers sa backstage tapos yun na, text text kami. Kilig, kilig, ganyan. Hanggang sa nag-meet kami. Nabuntis ako after six months,” she said. 

Toni revealed that her family, through one of her aunts, wanted her to not push through with the pregnancy and end her relationship because they thought she was still too young.

“Ipalaglag mo yan kasi hindi ka makakatulong sa pamilya. Kapag nagkaanak ka na, diyan na iikot ang mundo mo. Lahat na ng iipunin mong pera, pagtatrabahuan mo mapupunta na diyan.

“Nung panahon na yun wala eh, lahat kami mahirap. Walang breadwinner, walang may trabaho. Eh yung tita ko na yun OFW, so medyo may kaya. Sabi niya, ‘Pag-aralin kita.’ Sa isip isip ko, puwede mo pala ako pag-aralin eh, eh di sana nag-aral ko hindi ako nagtatrabaho, hindi ako nakibahay sa pamilya ng iba, hindi ako nabuntis, ganun.

“So nung sinabi niya na ipalaglag ko, sabi ko ayoko. Iyak ako ng iyak. Nag-usap kami 7 pm, parang hanggang 7 am iyak pa rin ako ng iyak. Sabi niya, ‘So hindi mo ipapalaglag yan?’ Sabi ko, ‘Hindi po. Uuwi na lang ako sa boyfriend ko.’

“Eh wala akong pera kasi sinundo lang ako ng ate ko. Bulacan yun eh yung boyfriend ko Laguna. Alam mo binigyan niya ako ng tig-iisang daan. May tig-be-bente pa yan na 500 pesos. Sabi niya, ‘O yan. Huwag kang babalik dito at hihingi ng pangbili ng saging ng unggoy mo ah,’ sabi niya sa akin.

“Iyak ako ng iyak. Umiiyak ako sa bus tapos buntis ako. Two months pa lang yung tiyan ko nun pero emotional na ako,” she recalled. 

After talking to her aunt, Toni felt her entire family was against her.

“Lahat sila tinakwil nila ako. Iniisip nila na mas mahal ko yung lalake kaya itutuloy ko yung bata. Ngayon, nung tumagal, yung mommy ko sabi niya, ‘O kailan pa kayo magkakapatawaran? Pag nanganak na si Toni?’ Kaya nung mga six months na ako, ate ko na mismo lumapit sa akin. ‘Kapatid hindi kita matiis. Kahit yun yung sinasabi nila, mahal kita.’ Sabi niya, ‘Hayaan mo akong suportahan ka, tulungan ka.’ So naging okay din kami ng ate ko,” she shared.

Watch the vlog here:

The popular vlogger also shared how she and Tyronia’s father ended their relationship shortly after a few years.

“After kong manganak, dahil ang bata namin, naramdaman ko yung may anak ka na tapos may isa ka pang anak. Kasi nga hindi kami handa eh.

“So ako lang yung nagtatrabaho. Parang napapagod na ako na dalawa silang iniintindi ko. Bata pa kami kaya hindi kami nagkasundo. Nag-aaway kami sa simpleng pagkain, wala kaming pagkain, papano yung ganito, papano yung gatas, paano lahat.

“Two months, three months bumalik agad ako sa pagsasayaw. Parang feeling ko nabinat ako eh. Ganun yung pakiramdam ko. Parang laging mainit yung ulo ko,” she explained.

Toni said that she and her ex-partner are now on good terms after he asked forgiveness from her. He is now married with two kids.