India, waging Man of the World 2022

Runner-up naman ang Ukraine sa Man of the World 2022.

India, waging Man of the World 2022-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/20/2022 02:24 PM
India, waging Man of the World 2022

Ang pambato ng India na si Aditya Khurana ang nanalo bilang 2022 Man of the World sa katatapos lang na international male pageant competition na ginanap sa Baguio Convention Center noong Hunyo 18.

Ito ang unang pagkakataon na naiuwi ng Indian delegate ang titulo. Hinirang din si Mr. India bilang Sine Cordillera Film Ambassador.

Second placer or first runner-up naman si Vladimir Grand ng Ukraine na sa simula pa lang ng pageant ay early favorite na. Si Mr. Ukraine din ang nanalo bilang Mister Multimedia, Most Photogenic, Be Unrivaled Productions Ambassador, at “Pre arrival Favorite.”


READ: Mr. Egypt is first Man of the World winner

Third placer naman ang ating kinatawan na si Nadim Elzein. Siya rin ang ibinoto ng kapwa kandidato  bilang Mister Congeniality at ka-tie naman ang representative ng Spain na si Francis Cervantes sa Best in National Costume. Ang kababayan din natin ang napiling Press Favorite.

Fourth placer naman sa Man of the World ang delegado ng Netherlands na si Tjardo Vollema na nanalo ring Best in Formal Wear, Holiday Inn Express Man of Travel.

Kasama rin sa Top 5 ng Man of the World si Nguyen Huu Anh ng Vietnam na napili rin bilang Best in Bahag.

READ: Who is ‘Man of the World Australia’ James Carne?

Matatandaang naging kontrobersyal ang Man of the Year pageant dahil sa diumano’’y maling pagsusuot ng bahag ng mga contestants. Pinagpaliwanag din ng National Commission on Indigenous Peoples sa Cordillera Administrative Region ang prodyuser ng pageant.

Samantala, dahil sa pandemya noong 2020 at 2021 kaya hindi nagdaos ng taunang pageant ang Man  of the World.