• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakuha pang mag-aya ni Seth Fedelin magkape kasunod nang pagsagot ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero.

Seth Fedelin, ‘unbothered’ raw sa pagsagot ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero, sey ng fans

Nakuha pang mag-aya ni Seth Fedelin magkape kasunod nang pagsagot ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero.

Seth Fedelin, ‘unbothered’ raw sa pagsagot ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero, sey ng fans-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/10/2022 07:10 PM
Seth Fedelin, ‘unbothered’ raw sa pagsagot ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero, sey ng fans
Photo Credit: @ricciiirivero, @blythe and @imsethfedelin on IG

Kasunod nang ginawang pagsagot ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero bilang kanyang boyfriend, may ibinahagi ang love team partner ng aktres na si Seth Fedelin sa Instagram.  

Nitong Sabado ng gabi, ika-9 ng Abril, nag-post si Seth ng isang litrato kung saan makikitang tila chill lang siya habang nakaupo at nagkakape. 

Sa caption ng kanyang post, nakalagay ang “Kape tayo?” na may kasamang heart emoji.  


Read:PANOORIN: Andrea Brillantes, sinagot si Ricci Rivero sa isang UAAP game

Bagama’t walang binanggit si Seth na pangalan, binigyan ito ng kahulugan ng ilang fans.  

May mga fans na nagsasabing para umano ito kay Andrea habang may ilan naman na nagsasabing “unbothered” umano ito o hindi apektado sa balitang magdyowa na sina Andrea at Ricci. 

Samantala, may ilang celebrities naman na nag-go sa pag-aaya ni Seth gaya nina Darla Sauler at Kyle Echarri.  

“Tara! Saan? Pag-usapan natin ang buhay-buhay!” ani Darla.  

“Tara kailan @domochoa @imsethfedelin,” saad ni Kyle. Sagot naman ni Seth: “Ride tayo para magpahangin tapos kape.”  

Sinagot ni Andrea si Ricci sa basketball game ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Maroons laban sa Far Eastern University (FEU) Tamaraws.  

Read:Seth Fedelin: 'SethDrea is forever'

Una nang sinabi ni Seth na “forever” umano ang tambalan nila ni Andrea.  

Taong 2019 nang mabuo ang tambalang SethDrea matapos magsama ng dalawa sa hit teleserye na Kadenang Ginto.  

Nagkatrabaho din sila sa iba’t-ibang proyekto gaya ng Huwag Kang Mangamba; Click, Like, Share; Saying Goodbye; at Lyric and Beat