PANOORIN: Andrea Brillantes, sinagot si Ricci Rivero sa isang UAAP game

Mag-dyowa na sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.

PANOORIN: Andrea Brillantes, sinagot si Ricci Rivero sa isang UAAP game-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/10/2022 03:33 PM
PANOORIN: Andrea Brillantes, sinagot si Ricci Rivero sa isang UAAP game
Screenshots from @tv5manila Instagram

Kumpirmado nang magdyowa ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes at ang basketball star na si Ricci Rivero. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by TV5 (@tv5manila)

Ito ay matapos sagutin ni Andrea si Ricci sa Mall of Asia Arena (MoA Arena) nitong Sabado, ika-9 ng Abril. 


Tinanong ni Ricci si Andrea pagkatapos ng laro ng University of the Philippines Fighting Maroons laban sa Far Eastern University Tamaraws kung saan ipinanalo ng UP ang kanilang ika-anim na laro. 

Sinambit ni Andrea ang kanyang matamis na “oo” nang iabot sa kanya ang shirt na may nakalagay na “YES.” 

Naghiyawan naman ang mga tao sa nangyaring sweet na kaganapan sa loob ng MoA Arena. 

Samantala, sinabi naman ni Andrea na hindi niya inaasahang magkakaroon siya ng boyfriend sa isang UAAP game lalo pa’t ito umano ang unang beses na makapanood nito.

Sa nasabing post, suot-suot na ni Andrea ang t-shirt na may nakalagay na “YES” at hawak-hawak ang isang bouquet ng mga sunflowers.

“First time kong manood ng UAAP di ko inaasahang mag kaka boyfriend pa ako. Grabe naman yun Lord!” caption ni Andrea sa kanyang post. 

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 1.2 million reactions, 229,000 comments at 195,000 shares ang post ni Andrea. 

Matatandaang kumalat noong nakaraang buwan ang bali-balita na nagde-date umano sina Andrea at Ricci. 

Kinumpirma umano ng ilang sources sa batikang showbiz reporter na si Ogie Diaz ang nasabing balita. 

BASAHIN: Andrea Brillantes, Ricci Rivero reportedly dating; actress spotted wearing jersey of basketball star

Bago pa man ito, kumalat na ang video kung saan suot-suot ni Andrea ang UP Fighting Maroons basketball jersey na may nakalagay na numerong 25, ang player number ni Ricci.

Namataan din ang dalawa na kumakain sa isang restaurant sa Bonifacio Global City (BGC).