• Home
  • Fresh Scoops
  • Tiniyak ni Seth Fedelin na kahit ano man ang mangyari ay hindi na matitibag ang samahan nila ni Andrea Brillantes.

Seth Fedelin: 'SethDrea is forever'

Tiniyak ni Seth Fedelin na kahit ano man ang mangyari ay hindi na matitibag ang samahan nila ni Andrea Brillantes.

Seth Fedelin: 'SethDrea is forever'-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/24/2022 12:35 PM
Seth Fedelin: 'SethDrea is forever'
Photo credits to @imsethfedelin on Instagram

"SethDrea is forever."

Ito ang pangako ng aktor na si Seth Fedelin sa kanyang mga tagahanga matapos ang isyung kinasangkutan nila ng onscreen partner na si Andrea Brillantes at aktres na si Francine Diaz.

Sa Isang Daan sa Pagtutulungan donation drive event ng ABS-CBN kahapon, Enero 23, tiniyak ni Seth na kahit ano pa ang mangyari ay hindi na matitibag ang samahan nila ni Andrea.


"Ito ah, gaya nung sinabi ko, SethDrea will conquer the world. At siguro naman sa sinabi kong ‘yun, nasagot ko na ‘yung tanong niyo. SethDrea is forever," aniya.

Nito lamang nakaraang linggo ay naging laman ng balita sina Andrea at Francine matapos na mapansin ng fans na tila in-unfollow nila ang isa't isa sa Instagram.

Hinala ng marami, may kinalaman ito sa kumalat na mga retrato kung saan makikitang magkasama sina Seth at Francine.

Ogie Diaz, ibinunyag na sinugod umano ni Andrea Brillantes si Francine Diaz sa dressing room

Ang tatlo ay miyembro ng sikat na grupong The Gold Squad kasama rin ang aktor at Pinoy Big Brother housemate na si Kyle Echarri.

"SethDrea" ang tawag sa love team nina Seth at Andrea, habang "KyCine" naman ang bansag sa tandem nina Francine at Kyle.

Nagmula ang grupo sa sikat na palabas na Kadenang Ginto na ipinalabas noong 2018. Noong 2021, muling nagsama sama ang apat sa primetime series na Huwag Kang Mangamba.

Samantala, sa nasabing event ay isang matamis na mensahe rin ang ibinahagi ni Seth para sa kanyang "mahal."

"Kakarating ko lang ng bahay, kakatapos ko lang kumain at maya-maya papasok na rin ako sa Zoom. Gusto ko lang uli ipaalala sa’yo kung ano ‘yung tayo, saan tayo nagsimula. Alam natin sa isa’t isa ‘yung mga bagay-bagay," aniya.

"See you sa nalalapit nating 'Lyric and Beat.' Let’s conquer the world. I miss you."

Seth Fedelin shares what he loves most about Andrea Brillantes: ‘Kakampi ko siya, kakampi niya ako’

Ang Isang Daan sa Pagtutulungan na inilunsad ng ABS-CBN ay naglalayong kumalap ng donasyon para sa mga biktima ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Para sa mga nais na mag-donate, narito ang mga detalye:

BANK NAME: BDO

ACCOUNT NUMBER: 0039302-14711
SWIFT CODE: BNORPHMM

BANK NAME: BPI
ACCOUNT NUMBER: 4221-0000-27
SWIFT CODE: BOPIPHMM

BANK NAME: PNB
ACCOUNT NUMBER: 1263-7000-4128
SWIFT CODE: PNBMPHMM

Para naman sa international donation:

Text HELP4PH to 24365 (US only)
Visit: abscbnfoundation.org
Mail to: ABS-CBN Foundation International
432 N Canal St. #21 South Francisco CA 94080