Cherry Pie Picache, inamin ang dahilan kung bakit choosy sa film projects | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Cherry Pie Picache, inamin ang dahilan kung bakit choosy sa film projects

Leo Bukas
Published Nov 01, 2022 02:38 AM PHT

Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Cherry Pie Picache kung ano ang mga konsiderasyon niya ngayon sa pagtanggap ng movie project.

“Well, sa akin first and foremost, I’m an actor and it is my job and my craft calls for it for me to be able to portray different roles. Actually, isa ‘yun sa pinakamasaya sa trabaho ko, na makapag-portray ako ng mga role,” aniya.

“Ang unang-unang konsiderasyon ko sa pagtanggap ng project is yung script at kung sinu-sinong mga makakatrabaho ko. Sa edad ko ngayon, I would like to believe na gusto kong gumawa ng pelikula na hindi lang nakakapag-entertain but they will also want to be able to inspire, to get equal view, to encourage. ‘Yun ang mga malalaking kondirerasyon ko sa pagtanggap ko ngayon,” pahayag ng aktres.

Si Cherry Pie ang bida sa pelikulang Oras de Peligro ni Direk Joel Lamangan. Kasalukuyan nang sinusyuting ang pelikula na produced naman ng Bagong Siklab Productions.

Binanggit din ng Marry Me, Marry You star kung bakit ngayon lang ulit siya gagawa n pelikula.

“As an artist dumarating tayo sa punto na talagang… lao na nanay na ako and I also have to take care of my son. Unang-una, maraming proyekto na magaganda na ginagawa sa telebisyon, so medyo do’n na ako na-busy,” rason niya.

Dugtong ng aktres: “Sa pelikula, siguro dumating sa punto na namimili na ako, to make the film that’s really worth my time as an artist. At sa dami na nga at sa tagal ko na rin sa industriya bilang aktres, gusto ko ng isang role na talagang makabuluhan.”

Ang critically-acclaimed na Pauwi Na ang huling pelikula ni Cherry Pie.

Excited ring sinabi ng aktres na masaya siyang muling muling makatrabaho si Direk Joel.

“I’m very excited to work with Direk Joel again. Alam n’yo ba, ang kauna-unahang award ko ay binigay ni Direk Joel sa isang movie for TV long time ago na ‘yun. Kaya masaya ako na muli kaming magkaka-work,” reaksyon niya.

Ang Oras de Peligro ay istorya mula sa point of view ng isang ordinardyong pamilya base sa kanilang karanasan apat na araw bago naganap ang EDSA Revolution noong Pebrero 1986. Ani Cherry Pie, gusto rin niya ang title ng pelikula.

“Gusto ko ‘yung title kasi I think this does not only say of our country sa sitwasyon natin but of the whole world ngayon. Ang dami-daming nangyayari ngayon sa buong mundo – may war, recession.

“Yung oras de peligro importante hindi lang sa bansa natin kundi sa buong mundo at kung hindi tayo magtutulong-tulong, sino pa?” deklara pa ni Cherry Pie.