• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagkapatawaran ang vloggers na sina Toni Fowler at Zeinab Harake.

Toni Fowler, pinatawad na si Zeinab Harake

Nagkapatawaran ang vloggers na sina Toni Fowler at Zeinab Harake.

Toni Fowler, pinatawad na si Zeinab Harake-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/26/2022 09:33 AM
Toni Fowler, pinatawad na si Zeinab Harake
Photo credit to @tonifowlerpo and @zeinab_harake Instagram

Ibinunyag ni Toni Fowler na napatawad na niya si Zeinab Harake kasunod ng mga naging alitan nila dahil sa mga rebelasyon ni Wilbert Tolentino. 

Matatandaang inalmahan ni Toni ang pagtawag ni Zeinab sa kanya at sa ToRo family niya na “trash.” 

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Toni ang screenshot ng naging mensahe ni Zeinab sa kanya pati na ang reply nito sa kapwa niya content creator. 


Dito, makikitang humingi ng paumanhin si Zeinab kay Toni. 

“Hello, Ate. Again, gusto ko lang ho ulit humingi ng pasensya. Alam ako abot at naintindihan mo ko base sa kwento ni MG. Gusto ko lang mag sorry sa inyo lahat. Pasensya na talaga,” ani Zeinab. 

Saludo naman umano si Toni kay Zeinab dahil humingi ito ng paumanhin sa kabila ng ginawa nitong pagganti sa kanya. Humingi din ng tawad si Toni kay Zeinab dahil sa naging sagot nito sa kanya. 

READ: Alitan ng vloggers na sina Zeinab, Toni, Wilbert at Sachzna, usap-usapan sa social media

“Zeinab. Pinahiya kita. Ginantihan kita. Pero eto ka nag so-sorry. Saludo ako sayo dyan. Ingatan mo ang sarili mo at ang tao sa paligid mo. Hihingi din ako ng pasensya dahil nag palamon ako sa emosyon ko para sa pamilya ko. 

READ: Toni Fowler, pinabulaanang nagbayad siya upang makatanggap ng award

Dagdag pa ni Toni: “Pangit ang ginawa ko sa’yo pabalik pero hindi ka nag pride. Salamat don at ok na kami ng pamilya ko dito. Lahat ay may kapatawaran. Lahat sana ay maging ok para kay sa team mo at lalong lalo na para kay Bia.” 

Tingnan ang post sa ibaba: 

Maliban kay Toni Fowler, nadamay din ang ilan pang mga YouTube vloggers gaya nina Whamoz Cruz at maging mga matalik na kaibigan ni Zeinab na sina Donnalyn Bartolome at Jelai Andres.