• Home
  • Fresh Scoops
  • Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang alitan ng mga sikat na vloggers na sina Zeinab Harake, Wilbert Tolentino, Toni Fowler, at Sachzna Laparan.

Alitan ng vloggers na sina Zeinab, Toni, Wilbert at Sachzna, usap-usapan sa social media

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang alitan ng mga sikat na vloggers na sina Zeinab Harake, Wilbert Tolentino, Toni Fowler, at Sachzna Laparan.

Alitan ng vloggers na sina Zeinab, Toni, Wilbert at Sachzna, usap-usapan sa social media-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/24/2022 01:51 PM
Alitan ng vloggers na sina Zeinab, Toni, Wilbert at Sachzna, usap-usapan sa social media
Screenshot from Zeinab, Toni, Wilbert at Sachzna Live Video

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang alitan ng mga sikat na vloggers na sina Zeinab Harake, Wilbert Tolentino, Toni Fowler, at Sachzna Laparan.

Nagsimula ang isyu matapos na sagutin ni Wilbert ang cryptic post ni Zeinab patungkol sa mga taong tila ginagamit, niloloko, at pinapaikot lamang siya.

"Sa mga nag-comment sa akin na user ako, bukal sa kalooban ko, tatanggapin ko ang pagtawag niyo ng 'user.' Pero gusto ko lang din i-share sainyo na kung user po ako, mas nagamit po niya ako, kaysa mas nagamit ko po siya," ani Wilbert sa kanyang Facebook video.


Dito ay buong tapang din na nilahad ni Wilbert ang umano’y paninira ni Zeinab laban sa kanyang mga kapwa YouTube vloggers. Kabilang na umano rito si Toni Fowler at ang kanyang Toro family, Whamoz Cruz, at maging mga matalik na kaibigan ni Zeinab na sina Donnalyn Bartolome at Jelai Andres.

“Si Ms. D (Donnalyn), best friend niya. Pero nagto-talk sh*t siya sa best friend niya. Ganyan ba ang kaibigan?" ani Wilbert. 

Lahad pa niya: "There are some vloggers na nakipag-collab ako, nakita ko naman na hindi naman pala totoo ‘yung chika niya (Zeinab) sakin dahil nakikita ko yung paninira.”

Kasabay ni Wilbert ay niresbakan din nina Toni at Sachzna si Zeinab sa umano’y paninira nito laban sa kanila.

“Hindi ako papayag na sasabihan mo ang pamilya ko ng trash. Hindi trash ang pamilya ko. Pwedeng ako, pero hindi ang … anak ko,” matapang na pahayag Toni. 

Ayon naman kay Sachzna: “Totoo ‘yun, hindi talaga kita ganun kagusto (Zeinab) kasi marami rin naman akong naririnig sa‘yo na sinasabi mo sa akin. Ewan ko, hindi ko alam, kung nai-insecure ka ba sa akin nun that time.”

READ: Jerome Ponce’s girlfriend Sachzna Laparan raises concern over electric bill: ‘Nagdilim paningin ko’

Emosyonal namang rumesbak si Zeinab sa mga naging pahayag ni Wilbert laban sa kanya sa pamamagitan ng isang Facebook Live kagabi, Oktubre 23.

“’Yung post ko nung October 13 is hindi po ‘yun about sa kanya (Wilbert). Like mamatay man, alam ng lahat ng tao sa paligid ko na hindi ‘yun para sa [kanya] at may ibang tao akong pinapatamaan doon,” ani Zeinab. 

Patuloy niya: “Bakit pinipilit niyong (Wilbert) palabasin na mukha akong masamang tao? Bakit pinipilit mong hanapin lahat nung mga tingin mong, ‘Ay p*** mukhang wrong ‘to. ‘Pag lumabas ‘to, magagalit ‘yung tao sa kanya.’ Bakit hindi mo sinabi lahat ng magagandang bagay na ginawa ko sa ‘yo? Bakit hindi mo sinabi lahat ng totoo? Kung bakit ko ayaw kay ganito, ayaw ko kay ganyan.”

Mariin namang itinanggi ni Zeinab ang paratang ni Wilbert na sinisiraan umano niya maging ang matalik niyang kaibigan na si Donnalyn. 

“Sabi ni Wilbert tina-trash talk daw kita, malabo ‘yan. Like, alam ng lahat kung gaano ko kamahal si ate Donna. At alam ni ate Donna kung gaano ko siya kamahal. Hinding hindi ko gagawin sa kanya ‘yan,” saad niya. 

Sa umano’y paninira naman niya kay Jelai: “’Yung sabaw, na si ate Jelai ‘yung pinakasabaw sa amin, totoo. Si ate Jelai ‘yung pinakasabaw sa amin and joke joke naming ‘yun magto-tropa.

“Hindi ko alam kung bakit gusto mong (Wilbert) palabasin na masama ‘yun. Hindi ko gets. And minessage ko si ate Jelai, nag-sorry din ako. Nag-sorry na ako.”

READ: Zeinab Harake on rivalry with Jelai Andres: ‘Wala pong competition talaga’

Bukod dito ay humingi rin si Zeinab ng paumanhin sa ibang YouTubers at mga influencers na nadamay sa alitan nila ni Wilbert, kabilang na rin sina Ivana Alawi at Robi Domingo.

“Again sa mga artist po, pasensiya na. Sobrang sorry-ng sorry-ng sorry. Sobrang sorry,” ani Zeinab.

Mensahe niya kay Wilbert: “Ako naging mabuti ako sa harap at likod mo, hanggang ngayon. Pero ako kahit ako, okay tayo, sunod sunod ‘yung saksak mo. Na pinagmumukha mong mas malala, mas masama. Ilang taon ka na, 40 plus? 23 years old [lang ako]. Mag-isa sa buhay. Marami akong [pinagdaanan], kilala mo ako.

“Kailangan ko lang i-explain din ‘yung side ko. Hindi kita ginamit. Hindi kita ginamit. … Tigilan na natin ‘tong gulo na ‘to.”