Vlogger China Roces to finally get married after 3 failed relationships | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vlogger China Roces to finally get married after 3 failed relationships

Vlogger China Roces to finally get married after 3 failed relationships

Leo Bukas

Clipboard

Aminado ang dating sexy star-turned-social media influencer na si China Roces na mahirap ang kompetisyon ngayon sa mundo ng social media. Buti na lang daw at na-bless sila ng ex-partner niya na makilala during pandemic at nung mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN. During that time ay mas maraming tao na kasi ang nakatutok sa cellphone kesa manood sa telebisyon.

“Kami nung partner ko ang naging pioneer sa vlogging na nakilala nung pandemic. Siyempre, nawalan ng TV so yung mga tao sa amin nakatutok—parang teleserye na sa cellphone sila nakatutok,” kuwento ni China.

Inspirational lifestyle para sa mga single moms ang ina-advocate ni China sa kanyang vlogs at YouTube channel kaya maraming nanay ang naka-relate agad sa kanya.

“May kanya-kanya kaming category or followers or fans. Ako kasi iba naman yung market ko—parang mga mommy, single mom o kaya naman mga lalaki. Nandodo’n ang market ko sa middle class at sa mga mommies.

ADVERTISEMENT

“Ang gusto kasi ng tao ngayon yung pantanggal stress, nakakatawa. Pero kasi ako, mas na-portray ko yung inspirational lifestyle, na parang from being a single mom nagkaroon ng tatlong anak pero separated sa iba’t ibang naging partners. Na-down ako at tumaba, lahat na lang, pero pinakita ko sa mga tao yung progress ng isang babaeng lumalaban sa buhay.

“Sobrang nakakatuwa din na ngayon ay CEO na ako ng sarili kong kompanya. Siyempre, meron pa ring career na inaalagaan at may mga pinapaaral na mga bata kahit mag-isa lang ako,” pahayag pa niya.

Kilalanin pa ang ibang celebrity entrepreneurs: Neri Miranda, ipinagmalaki ang nabiling malawak na lupain sa Cebu

Si China ang CEO ng Glamoroces Coffee na isang slimming drink na merong collagen at glutathione. Nagkaroon ito ng grand launching noong October 15, 2022 sa isang comedy bar sa Mindanao Avenue, Quezon City na dinaluhan ng PUSH at ilang showbiz press.

Ani China, “Ang purpose ko in launching this product ay para sa mga gustong gumanda and maging sexy without getting stressed. The coffee is manufactured dito sa atin pero formulated in Japan. Yung mga ingredients galing don. May mga active ingredients ang kape namin that help in releasing toxins,” pagmamalaki niya.

Bukod sa Glamoroces Coffee ay meron ding luxury boutique, hair extension clinic, and spa na pinapatakbo si China. Paminsan-minsan ay nagla-live selling din siya.

Ang puhunan na ginamit ni China sa negosyo ay katas ng pagiging social media influencer niya at mga naipon simula nung pumasok siya sa showbiz noong 2012.

Kuwento niya, “Tagal ko na rin sa showbiz 2012 pa. Eighteen years old pa lang ako nung pinasok ko ‘to. Tanduay model at FHM model pa lang ako noon. Kung anu-ano ng sinubukan ko, modeling, acting, hosting, radio hosting hanggang pagba-vlog dahil pumasok ang vlogging.

“Hindi talaga ako literal na umaasa sa income ko sa social media. Mas more on business and endorsement ako. Yon ang talagang iniingatan ko kaya yung image ko inaalagaan ko din, pinoprotektahan ko din.

“Kung tutuusin nga, sabi ng iba puwede na akong mag-settle down pero heto pa rin ako, work pa rin. Kailangan pang magtrabaho, eh, para sa mga anak ko.”

Masaya ring ibinalita ni China na finally ay ikakasal na sila ng kanyang bagong boyfriend na si David Santos pagkatapos ng kanyang tatlong failed relationships.

“Engaged na kami. Ngayong December na ang aming civil wedding, pero yung church wedding pinaplano naming gawin next year—December 2023,” pagkumpirma niya.

Anyway, naging bahagi si China noon ng daily morning series na Be Careful With My Heart sa ABS-CBN. Gumanap siya dito bilang kaibigan ng karakter ni Jodi Sta. Maria na si Maya.

Ilan sa mga pelikula naman nagawa niya ay ang Sabine, Sigaw sa Hatinggabi, Ang Misyon: The Marawi Siege Story, at Silab.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.