EXCLUSIVE: Director Joel Lamangan sees huge acting potential in newbie sexy star Cloe Barreto in the film ‘Silab’ | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
EXCLUSIVE: Director Joel Lamangan sees huge acting potential in newbie sexy star Cloe Barreto in the film ‘Silab’

Leo Bukas
Published Apr 15, 2021 01:43 AM PHT

Base sa deskripsyon ng premyadong director na si Joel Lamangan ay isang “unpolished gem” sa larangan ng pag-arte ang baguhang sexy star na si Cloe Barreto na bida sa pelikulang Silab na prinodyus ng 3:16 Media Networks.

“Iba siya, malalim siya. Para siyang hindi baguhan sa pag-arte. Mahusay yung bata. Pag nabigyan pa siya ng maraming pelikula siguradong marami pa siyang ipapakita,” lahad pa ng director tungkol sa lead star niya sa Silab.

Patuloy pa niya, “Wala rin siyang kaarte-arte sa ipinapagawa ko. Yung mga inhibitions niya kinalimutan niyang lahat kaya napakadali niyang katrabaho. Para siyang si Jaclyn Jose nung nagsisimula pa lang siys noon sa Private Show.”

Naniniwala ang director na kahit panahon ng pandemya ay kailangan pa ring tumuklas ng mga bagong artista.

ADVERTISEMENT
“Kailangan natin ng mga bagong mukha, bagong artista, mga promising actors kasi kung hindi natin sila bibigyan ng chance, eh, mamamatay ang industriya natin. Karamihan sa mga artista natin ay matatanda na, kailangan natin ng bago, pero yung mga baguhang promising at nakakaarte, ha. Huwag yung feeling nila, eh, ang husay-husay na nila pero hindi naman makaarte sa harap ng kamera,” ngumingiti pero seryoso niyang pahayag.

“Mabuti nga may mga ganito pang pelikula kahit pandemya, di ba? May mga film producer pang sumusugal at nagbibigay ng chance sa mga baguhan. Kaya sobrang thankful din ako kasi meron akong ginawa, tapos instrument pa ako kahit papaano para makilala yung mga deserving na baguhan na may mga karapatan,” wika pa ni Direk Joel.

Ayon pa sa kanya, ang pagtanggap bilang director ng mga baguhang artista mula sa mga independent film producers ay paraan na rin niya of giving back sa maraming bagay na ibinigay sa kanya ng showbiz industry bilang actor at director.“Kailangan nating magtulungan. Kailangan nating mag-discover and I’m proud na ako ang unang naging director ni Cloe,” sey pa niya.

Ang Silab ay sinulat ng multi-awarded scriptwriter na si Raquel Villavicencio. Si Villavicencio ang nasa likod bilang writer ng mga pelikulang Kapag Langit Ang Humatol, Sa Ngalan ng Pag-ibig, Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan, Abandonada, Pinulot Ka Lang Sa Lupa, Hihintayin Kita sa Langit, Batch ’81, at marami pang iba.

Kapareha ni Cloe sa Silab sina Jason Abalos at ang Austrian-based singer na si Marco Gomez. Kasama rin sa pelikula sina Lotlot de Leon, Jim Pebengco at Chanda Romero.