• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Neri Miranda na pinagtrabahuhan nila ang kanilang pinakabagong investment.

Neri Miranda, ipinagmalaki ang nabiling malawak na lupain sa Cebu

Sinabi ni Neri Miranda na pinagtrabahuhan nila ang kanilang pinakabagong investment.

Neri Miranda, ipinagmalaki ang nabiling malawak na lupain sa Cebu-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

09/24/2022 07:47 PM
Neri Miranda, ipinagmalaki ang nabiling malawak na lupain sa Cebu
Photo Credit: @mrsnerimiranda on Instagram

Muling pinatunayan ni Neri Naig Miranda na isa siyang tunay na wais na misis matapos niyang ibahagi na nakabili siya ng malawak na lupain sa Cebu. 

 

 

Sa isang Instagram post, ipinasilip ni Neri ang litrato na kuha mula sa kanilang nabiling lupain. 

“So eto na ngaaaaa.... Cebuuuuuuuuu! Magkakasama na tayo ng mas matagal! Thank you, Lord! Nakabili na kami ng lot sa Cebu!” ani Neri. 

Pagbabahagi ni Neri, plano niyang magpatayo ng resthouse doon ngunit mag-iipon muna siya sa ngayon. 

“At patatayuan namin ng resthouse pero mukhang matagal pa ‘yun! Mag iipon muna, hihi! Kaya kayod pa talaga nang bongga! More blessings pa, *ahem* calling all agencies and companies dyan, taraaaa! Let's work together po, hihi!” saad niya. 

 

 

Samantala, ikinuwento naman ni Neri kung paano siya nakakapag-budget para makapagpundar ng mga malalaking investments gaya ng lupa. 

Ani Neri, nag-seset siya ng kanyang goal para mas mabilis niya itong makuha. 

“Maraming nagtatanong kung paano ko nagagawa ang pagba-budget ng pera namin. Ang ginagawa ko talaga, nagseset ako ng goal. ‘Yung alam kong di imposibleng makuha. Sinusulat ko ang mga kailangang gawin to achieve that goal,” aniya. 

Read: LOOK: Neri Naig Miranda buys a new rest house in Baguio City

“Magpi-print ako ng photos ng goal ko na yun, for example, may gusto akong bilhin o need i-achieve, piniprint ko then ilalagay ko sa mood board ko. Para araw araw nakikita ko, mas maiinspire akong mas magtrabaho pa. Mas focused akong gawin kase may reminder ako araw araw,” dagdag pa niya. 

Aminado naman si Neri na siya ang mas agresibo sa kanila ng kanyang asawa na si Chito Miranda pagdating sa investments. 

“Sa aming mag asawa, ako yung aggressive sa amin when it comes to business. Mas matapang ako at mas makapal mukha ko, haha! Kaoag nagiging nanay ka na talaga, hindi ka na nahihiya. Magiging straightforward ka. Pero si Chito ang number one supporter ko at the same time critic ko rin,” aniya. 

Katuwang umano ni Neri ang kanyang business partner sa pagbili ng lupain at laking tuwa naman niya na suportado siya ng kanilang mga asawa. 

“Kasama ko ang business partner kong si @jonahcbautista sa pagbili ng property na ‘to. Pareho kaming mga wais na misis,” ani Neri. 

Gayunpaman, masaya naman si Neri na suportado sila ng kanilang mga asawa. 

 

 

“Pareho rin nagugulat ang mga asawa namin sa mga negosyong tinatayo namin, hihi! Sila yung nagsasabi sa amin, kaya nyo ba yan? Hinay hinay lang. Pero kapag desidido kami, go lang! Kaya napapakamot na lang sa mga ulo ang mga asawa namin,” aniya. 

“Tapos kapag masstress kami, sila rin naman ang tatakbuhan namin at papakalmahin kami. Isang yakap lang ng mahigpit from our husbands, ok na ok na ulit kami. Nakakahinga na. Tapos lalaban na ulit!” dagdag pa niya. 

Read: Neri Naig Miranda buys a condo unit for her five-year-old son Miggy: ‘Eto ang una niyang investment’

Nilinaw naman ni Neri na hindi nila ito ganoon kabilis nakuha dahil kinailangan nila itong pagtrabahuan. 

“Pero di namin nakukuha agad agad ha? Pinaplanuhan namin ng maigi. Tinatanong namin, kaya ba? Is it worth it? Pag nag YES kami, then game face on. Mas focused magtrabaho para ma-achieve yung goal na ‘yun,” aniya. 

 

 

“Nakahanap ka na rin ba ng business partners na pamilya na ang turingan nyo? Yung trusted nyo ang isa't isa? Ako? YES! At isa si Jonah dun. Sana kayo rin! Pag-pray natin kay Lord ‘yan,” dagdag pa niya.