• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinugod umano ni Andrea Brillantes si Francine Diaz sa dressing room nito sa nakaraang ABS-CBN Christmas Special, ayon sa mapagkakatiwalaang source ni Ogie Diaz.

Ogie Diaz, ibinunyag na sinugod umano ni Andrea Brillantes si Francine Diaz sa dressing room

Sinugod umano ni Andrea Brillantes si Francine Diaz sa dressing room nito sa nakaraang ABS-CBN Christmas Special, ayon sa mapagkakatiwalaang source ni Ogie Diaz.

Ogie Diaz, ibinunyag na sinugod umano ni Andrea Brillantes si Francine Diaz sa dressing room-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/18/2022 03:12 PM
Ogie Diaz, ibinunyag na sinugod umano ni Andrea Brillantes si Francine Diaz sa dressing room
Photo credits to @francinesdiaz on Instagram

May pasabog na rebelasyon ang beteranong showbiz personality na si Ogie Diaz sa kanyang bagong vlog: sinugod umano ni Andrea Brillantes si Francine Diaz sa dressing room nito noong nakaraang Disyembre. 

Ani Ogie, isang mapagkakatiwalaang source umano niya ang nagsabi sa kanya tungkol sa pagsugod ni Andrea. Pagbabahagi pa ni Ogie, nangyari ito nitong nakaraang ABS-CBN Christmas Special. 


Saad pa ni Ogie, sinugod ni Andrea si Francine matapos magpa-picture ni Seth Fedelin rito.

Andrea Brillantes at Francine Diaz, in-unfollow ang isa’t-isa; may hidwaan nga ba?

“Nakita niya na nagpa-picture itong si Seth (Fedelin). Di ba may SethDrea, na parang ginu-groom ng ABS-CBN na lumaking love team, wala pa ‘yung FranSeth,” ani Ogie.

Dagdag pa ni Ogie: “Kasi nga si Kyle (Echarri) at Francine ‘yung ine-establish. Eh ngayon ang nakarating sa amin, hiniritan ng glam team nitong si Francine si Seth na jumoin sa kanila sa picture taking. Tapos ayun nga, eh parang ikinagalit ito ni Blythe, ni Andrea. Kaya totoo ba ito? Nagkaroon ng suguran sa dressing room?

“Sinugod daw nitong si Andrea itong si Francine, totoo ba ‘yan? Parang ayaw yata ni Blythe na magkakaroon ng pagkakataon na makapagpa-picture ‘yung dalawa kasi nga ang sabi sa akin ng mga taga-Blythe na source ko, eh iniingatan nga kasi ni Andrea ‘yung love team nila ni Seth. Ayaw ni Andrea na maguluhan ‘yung mga tao sa love team nila,” pagpapatuloy pa niya. 

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang kampo nina Andrea at Francine kaugnay sa kumakalat na balita. 

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang umano’y pag-unfollow nina Andrea at Francine matapos kumalat ang litrato nina Seth at Francine kasama ang pamilya ng huli. 

Agad namang pinabulaanan ng fans ang nasabing balita at sinabing blinock umano ni Andrea si Francine sa Instagram. 

Wala ring komento ang dalawa kaugnay sa kumakalat na bali-balita.