• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Huwag Kang Mangamba’ actor Seth Fedelin reveals what he and good friend Kyle Echarri talked about before entering the PBB house.

Seth Fedelin shares what he loves most about Andrea Brillantes: ‘Kakampi ko siya, kakampi niya ako’

‘Huwag Kang Mangamba’ actor Seth Fedelin reveals what he and good friend Kyle Echarri talked about before entering the PBB house.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

11/04/2021 09:11 AM
Seth Fedelin shares what he loves most about Andrea Brillantes: ‘Kakampi ko siya, kakampi niya ako’
Photo credit: @imsethfedelin Instagram

As part of ABS-CBN’s Gold Squad, teen actor Seth Fedelin said that he also has plans to be known as a credible actor outside of their group and his love team with Andrea Brillantes, who he is aware will always be more popular than him.

“Ako ang plano ko talaga kasi si Andrea pag nakilala siya sasabihin, ‘Ah si Andrea yung nasa Annalisa yan.’ Eh ako pag ako tinanong mo sa tao, ‘Ah yung ka-partner ni Andrea si Seth.’ So sa ngayon, gusto ko marinig na kunwari pag nagtanong ako sa tao yung iba naman sabihin nila. So gusto ko na may patunayan sa sarili ko. Siyempre unang una sa sarili ko and then sa mga taong nandiyan na naniniwala sa akin. Gusto ko mapatunayan kay Andrea na sasabay ako sa kanya. Yun yung mas priority ko.

“Sinasabi rin niya sa akin na magbuo ako ng sarili ko, magbuo ka ng sarili kong craft. At yun yung ginagawa ko ngayon. Doon ako nag-fo-focus. Minsan pag wala akong ginagawa nag-mo-movie marathon ako mag-isa and then kung anu-ano ang maiisip ko, ganyan ganyan (laughs). So gusto ko siya sabayan and gusto ko siyang sumikat. Parang Kathniel, gusto ko yung marating nila sa sarili naming pamamaraan,” he said during the Huwag Kang Mangamba finale mediacon. 


WATCH: Kyle Echarri and Seth Fedelin in music video for ‘Liligawan Na Kita’

The 19-year-old actor said he is proud of his love team with Andrea because they also have shared goals when it comes to their career in showbiz.

“Ang pinaka maipagmamalaki ko sa samahan namin, nag-mi-meeting kami niyan sa mga gagawin namin, sa mga plano namin, sa mga anong ipapakita, anong hakbang namin next. Halimbawa pag natapos yung show ng Huwag Kang Mangamba ano ng gagawin namin, dapat may bago tayo, hindi lagi tayong nandito. So nag-iisip kami. Minsan pag nag-uusap kami dapat ganito, dapat ganyan. So teamwork kami. Talagang kakampi ko siya, kakampi niya ako,” he said. 

READ: Seth Fedelin on working with veteran stars in ‘Huwag Kang Mangamba’: ‘Natakot ako at kinabahan nung una’

As their series nears its November 12 finale episode, Seth also shared just how much he appreciates his Huwag Kang Mangamba co-star.

“Gusto ko yung pagiging anak niya sa magulang niya. Kasi nabigyan niya ng bahay, bawat kuwarto may aircon yung mga kapatid niya. Ngayon lang yun pero sa edad niyang yan malaki na yun. At siyempre sa pagtatrabaho niya kasi minsan tao lang din ako na napapagod din ako sa work, siya yung pumipitik sa akin minsan na, ‘Oy, trabaho ka.’ So, hindi lang basta iniisip namin yung career naming dalawang magkasama kundi iniisip niya rin yung career ko individually.

“Siya minsan nag-re-remind sa akin na sa IG na mag-post. Siya yung nagpapaalala sa akin at tinutulungan niya akong matuto sa mga bagay bagay na hindi ko alam. Dahil ako galing ako sa ganitong buhay lang tapos biglang tumawid sa ganito. So yung mga ginagawa ko ngayon ay hindi ko nakasanayan gawin noon. So siya yung tumutulong sa akin kung paano gawin ang mga bagay bagay so thank you sa kanya,” he explained. 

READ: Andrea Brillantes thanks Seth Fedelin for taking care of her when she had COVID: ‘He was there for me’

When asked to give a heartfelt message for Andrea, Seth did not hold back in his support for her on and offscreen.

“Huwag kang mangamba kasi lagi kong sinasabi sa ‘yo na bumaliktad man mundo, lahat ng tao sa paligid mo bumaliktad sa ‘yo and then nalungkot ka, andito ako Ali. Andito ako puwede mo ilabas sa akin ang sama ng loob mo. Maaasahan mo ako. Hindi kita pababayaan at hindi kita hahayaan na ma-down. Hangga’t maaari kung ano yung kaya kong ibigay sa ‘yo, oras man, effort man, ibibigay ko para sa ‘yo kaya huwag ka matakot. Nandito ako. Nandito si Seth, si Yansi, si Tisoy, si Kano, andito ako,” he said.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri)

As for his good friend and fellow Gold Squad member Kyle Echarri, Seth shared what they talked about before Kyle entered the Pinoy Big Brother house for the current season. Last July, Kyle featured Seth in the music video for his single “Liligawan Na Kita.”

“Base sa mga napag-usapan namin ni Kyle. Ilang gabi naming pinag-uusapan. Si Kyle talaga focused siya. Napapansin ko sa kanya pag pinag-uusapan namin, alam niya kung saan siya pupunta. Alam niya kung saan siya dapat and then alam niya yung mga effort na gagawin niya, alam niya kung mga dapat na i-sakripisyo, alam niya yung pagod na haharapin niya para  makuha niya yung mga bagay na yun. Lalo na sa kanilang dalawa ni Francine. Sobra niyang pinapahalagahan kung ano ang meron sila and kuwento nga sa akin ni Kyle bago siya pumasok ng PBB, gusto niya itakas ko siya sa quarantine kasi ayaw niya, na-mi-miss daw niya yung Huwag Kang Mangamba,” he revealed.