Mayor Isko Moreno sa muling paglabas ng mga sexy photos: ‘I’m not ashamed of that!’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mayor Isko Moreno sa muling paglabas ng mga sexy photos: ‘I’m not ashamed of that!’

Mayor Isko Moreno sa muling paglabas ng mga sexy photos: ‘I’m not ashamed of that!’

Leo Bukas

Clipboard

“Wala naman maitatago pa sa akin. Bulatlat na ang buhay ko. Open book naman yan!”

Ito ang iginiit ni Manila Mayor Isko Moreno sa PUSH tungkol sa nakaraan niya bilang artista kasabay ng pagkalat ng mga sexy photos niya sa social media nitong mga nagdaang araw.

Si Isko ay naging dating member ng youth-oriented program na That’s Entertainment hosted and produced by the late Master Showman German Moreno.

Patuloy ni Yorme, “Meron akong ups and downs, mga challenges. It was made public. It’s an open book. I’m not ashamed of that,” giit ulit ng alkalde.

ADVERTISEMENT

Ang mga sexy photos ni Isko na kuha noong dekada ‘90 para sa promo shoot ng isa niyang pelikula ay pinagpistahan ng netizens. Ginawa rin itong malaking isyu ng mga kalaban niya sa pulitika.

Lahad niya, “Makikita ninyo yung buong katawan ko except yung harapan ko. Eh, ano naman ngayon? Artista ako, eh, at wala akong nakikitang masama sa ginawa ko.

“Anything na ginawa ko sa showbiz, I’m happy I survived. Pinagdaanan ko yon at marami akong natutunan do’n,” paliwanag pa ng mayor ng Maynila.

Mapapanood ang life story ni Mayor Isko sa pelikula ng Saranggola Media Productions titled Yorme: The Musical na idinirek ni Joven Tan. Napanood na ni Isko ang kabuuan ng pelikula at nagustuhan niya ito at kung paano ito in-execute ng director.

“Kung ano yung totoong nangyari sa akin nando’n sa pelikula. Walang in-edit. Yung mga kanta, ang gaganda,” masaya niyang pahayag.

Ayon naman sa Saranggola producer na si Edith Fider, hindi nagpabayad si Isko sa kanyang story rights at sa talent fee. I-donate na lang daw ito sa institution na kailangan ng tulong.

“He did not mention any particular institution where the money should be donated. It’s up to us, we decided to donate it to the University of the Philippines Film Institute,” she said.

Kinumpirma naman ni Isko na wala siyang tinanggap kahit isang sentimo sa pelikula.

“If I could be an inspiration to the people through this film, then I’d be willing to help. I don’t need their money. I am not here to increase my bank account balance. I am here to serve and inspire,” sambit pa ng actor turned public servant.

Samantala, wala pang playdate ang Yorme :The Musical pero pinag-iisipan ng producer na isali ang pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival ngayong December 2021.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.