• Home
  • Fresh Scoops
  • Gaganap bilang Isko Moreno sina Xian Lim at McCoy de Leon sa kanyang biopic.

Isko Moreno, aprub kina Xian Lim at McCoy de Leon bilang Yorme; biopic hindi raw edited version

Gaganap bilang Isko Moreno sina Xian Lim at McCoy de Leon sa kanyang biopic.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/20/2021 10:19 AM
Isko Moreno, aprub kina Xian Lim at McCoy de Leon bilang Yorme; biopic hindi raw edited version

Nakaharap na rin finally ni Manila Mayor Isko Moreno sina Xian Lim at McCoy de Leon na gumaganap bilang siya sa Yorme The Musical ng Saranggola Media Productions mula sa direksyon at panulat ni Joven Tan.

Naganap ang pagkita ng tatlo nang mag-courtesy call sina Xian at McCoy sa mismong opisina ni Mayor Isko sa Manila City Hall nitong Huwebes ng gabi, June 17.

Mayor Isko Moreno Biopic


Mayor Isko Moreno Biopic Yorme

Xian Lim McCoy de Leon Yorme Isko Moreno

“Speechless ako because I’m excited to see them and yung end of the project,” lahad ni Yorme habang katabi sina Xian at McCoy.

“I trust the production giving them full account [of] what really transpired [with] me from being a basurero to mayorship. And I hope na especially in these trying times na people are very sad dahil sa mga nangyayari sa ating country and the world, I hope this project may at least one point or another can give hope na huwag mawalan ng pag-asa. Na kapag nagpupursige ka sa buhay, may awa ang Diyos na makakaraos ka rin kahit papaano at baka mapagtatagumpayanmo,” dagdag ni Isko.

Tanong namin kay Yorme, pasado ba sa kanyana sina McCoy at Xian ang gaganap sa kanyang biopic?

“Oo, eh, pareho naman kaming mga mestisuhin” biro niya. “Actually, hindi ako si Isko Moreno, ako si Isko Mestiso. Hahaha! Charot!” sabay tawa ni Isko nang malakas.

Ayon pa sa interbyu ng PUSH kay Mayor Isko, hindi edited version ng kanyang life story ang mapapanood sa Yorme The Musical.

READ: Xian Lim to play Isko Moreno in ‘Yorme: The Musical’

“I trust the artistic value, talent of the writer, the team and the director. And I trust them also to pick the actors that will portray me. Kasi galing din naman ako sa showbiz kaya I don’t want to give hard time to the production. They have all the liberty.

“Lahat ng mapapanood nila sa pelikula ay yung mga totoo lang. Yung transition and challenges to transition. Halimbawa, puwede bang mag-artista ang isang basurero? Tapos nabigyan ka ng pagkakataong mag-artista, puwede bang mag-excel yung from artista na walang talent.

“Tapos nung nag-artista ay hinone at ni-nurture niya yung opportunity then napansin. ‘Ah, posible pala.’ Making a name for himself with the help of the environment in showbiz,” paliwanag ng actor-politician.

Ani Isko, hindi rin siya natatakot na makalkal ang kanyang dark side at mapanood ng tao sa pelikula.

“Remember when my political rivals used my sexy photos during the election. In the pictures, I was only wearing briefs. That particular photo was taken by the late Douglas Quijano in the pool. He was the manager of Richard Gomez. May he rest in peace,” pagre-recall niya.

“Wala naman maitatago pa sa akin. Bulatlat na ang buhay ko. May ups and downs, may challenges. It was made public. It’s an open book.

“I’m not ashamed of that. Makikita ninyo yung buong katawan ko except yung harapan ko, that is for private use only. Hahaha! Anything na ginawa ko sa showbiz, I’m happy I survived,” pagmamalaki ng guwapong alkalde ng Maynila.

READ: Alex Gonzaga pulls a prank on ‘Yorme’ Isko Moreno

When asked kung tatakbo ba siya sa 2022 national election ay hindi na nag-elaborate dito ang alkalde.

“Let’s just work!” natatawa at matipid niyang pahayag.

Wala pang playdate ang Yorme The Musical pero pinag-iisipan ng producer nito na isali ang pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival.