• Home
  • Fresh Scoops
  • Meanwhile, McCoy De Leon will play the teenaged Yorme in the biopic.

Xian Lim to play Isko Moreno in ‘Yorme: The Musical’

Meanwhile, McCoy De Leon will play the teenaged Yorme in the biopic.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/20/2021 05:00 PM
Xian Lim to play Isko Moreno in ‘Yorme: The Musical’

Pagkatapos naming ibalita dito sa PUSH na si McCoy de Leon ang gaganap na teenager na Isko Moreno sa pelikulang Yorme: The Musical ay natuldukan na rin ang mga espekulasyon kung sino ang aktor na gaganap bilang adult Isko or yung present generation  as Manila City Mayor Isko Moreno.

Kay Xian Lim ibinigay ng Saranggola Media Productions at ni Direk Joven Tan, director ng pelikula, ang pagkakataon na i-portray sa big screen ang katauhan ni Mayor Isko sa ginagawa nilang bioflick. Bagama’t wala pang pormal na announcement tungkol dito pero malinaw sa Instagram post ni Xian na siya na si Yorme.

Nag-post ang actor ng larawan sa kanyang IG habang nagre-recording siya na kamukhang-kamukha siya ni Isko. Nakatanggap din kami ng isang photo mula sa grupo ng taga-suporta ni Xian  na nakasuot ito ng barong tagalog. Ang naturang larawan ay kuha sa syuting ng Yorme sa Batangas noong March 18.


Plano ng production team ng Yorme na iharap sa entertainment press sina Xian at Mayor Isko pero kasalukuyan pa raw inaayos ang mga detalye tunkol dito.

Ayon sa interbyu namin sa producer ng Saranggola na si Ms. Edith Fider, happy siya na si Xian ang  kanilang naging final choice for the role. Sobrang bilib daw siya sa professionalism ng aktor at sa kahandaan nito sa mga kinukunang eksena. Memorized din daw nito ang mga kanta kaya hindi sila nahihirapan sa syuting.

Bukod sa pagiging actor ay isa ring singer si Xian at nakapaglabas ng ilang albums sa Star Music. Malaking advantage din na marunong siyang kumanta na isa sa mga qualifications na hinahanap ng producer para sa ginagawang musical-drama.

Samantala, bukod kina Xian at McCoy ay may partisipasyon din sa pelikula ang mga magiging character nina German Moreno bilang producer/host ng programang That’s Entertainment kung saan nagsimula si Isko at Daddy Wowie Roxas na discoverer naman at manager ng actor-politician.