• Home
  • Fresh Scoops
  • Kylie Verzosa says an official statement on the outcome of Jake Cuenca’s police chase will be issued soon.

Kylie Verzosa says Jake Cuenca is recovering after police chase incident

Kylie Verzosa says an official statement on the outcome of Jake Cuenca’s police chase will be issued soon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/26/2021 01:22 PM
Kylie Verzosa says Jake Cuenca is recovering after police chase incident
Photo credit to @juancarloscuenca Instagram

“Jake is getting better! He's recovering!”

Ito ang sagot ni Kylie Verzosa sa tanong namin kung kumusta na ngayon ang boyfriend niyang si Jake Cuenca pagkatapos masangkot sa isang traumatic experience nang habulin at barilin ang sasakyan ng aktor ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) Mandaluyong City noong October 9, 2021.

Umabot ang habulan hanggang Pasig na sa kasamaang palad ay nadamay pa ang isang delivery rider na tinamaan ng bala.


READ: Jake Cuenca arrested by police after allegedly bumping a police car

Ibinalita rin ni Kylie na unti-unti nang nakaka-move on si Jake at bumalik na rin daw ito sa trabaho.

“I’m happy na nagte-tape siya ngayon. May show siya sa ABS-CBN,” sabi pa ng actress-beauty queen.

Nakausap ng PUSH si Kylie sa digital presscon ng bago niyang pelikula sa Viva Films na My Husband, My Lover noong Lunes ng hapon, October 25. Ang pelikula ay idinirek ni Mac Alejandre kung saan bida rin sina Cindy Miranda, Adrian Alandy, at Marco Gumabao.

Ayon pa sa dating beauty queen plantsado na ang gusot sa pagitan ng PNP at ng kanyang boyfriend. May ilalabas na rin daw na official statement tungkol dito sa mga susunod na araw.

“Sana maayos nila, and naayos naman na po. I think yung official announcement will be sometime next week, okay na po,” balita ni Kylie.

READ: Kylie Verzosa shares how her boyfriend Jake Cuenca inspires her acting

Hindi naman maiwasang maapektuhan din si Kylie ng nangyari sa kanyang karelasyon at sa iba pang involved. Ang maganda lang daw ngayon ay nasa healing stage na ang lahat.

Aniya, “I just really feel bad for all parties involved. Very unfortunate event lang siya for all parties. All parties are healing with the situation,” lahad niya.

READ: Jake Cuenca finally speaks up about police car chase

Nasa shooting si Kylie noon ng isang pelikula sa Pola, Oriental Mindoro nang mabalitaan niya ang nangyari sa aktor.

“Sobrang nalulungkot po ako sa nangyari. Hindi ako nakatulog. Parang nawala rin ako sa sarili ko dahil I was so worried and it took time for me to know the real story. Sobrang out of myself ako noon.

“Magkausap kami noon and happy ako na sinasagot pa rin niya yung phone, na very responsive siya sa akin every time I would call. Tumatawag ako every hour to check up on him. I just fully support him and I know, he’ll get through this,” kuwento pa ni Kylie.