• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagsalita na si Jake Cuenca sa napabalitang paghabol sa kanya ng mga operatiba matapos niyang mabangga ang sasakyan ng mga ito.

Jake Cuenca finally speaks up about police car chase

Nagsalita na si Jake Cuenca sa napabalitang paghabol sa kanya ng mga operatiba matapos niyang mabangga ang sasakyan ng mga ito.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/12/2021 10:08 PM
Jake Cuenca finally speaks up about police car chase
Photo credit to @juancarloscuenca on Instagram

Nagsalita na ang aktor na si Jake Cuenca sa napabalitang paghabol sa kanya ng mga operatiba matapos niyang mabangga ang sasakyan ng mga ito sa Mandaluyong Sabado ng gabi, Oktubre 9.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News, ipinaliwanag ni Jake kung bakit hindi siya tumigil sa pagmamaneho noong hinahabol siya ng mga hindi naka-unipormadong pulis sa kalsada.

"When I have civilians flagging down my car, armed civilians flagging down my car with unmarked vehicles, my instinct talaga was to not stop, to go forward, and just get away from trouble," aniya.


Ayon sa naunang ulat ng Eastern Police District, nagsasagawa ng buy-bust operation ang mga pulis nang mabangga ang kanilang sasakyan ng isang itim na Jeep Wrangler na minamaneho ni Jake. Hindi umano huminto ang sasakyan kaya't hinabol nila ito.

Umabot ang habulan haggang sa West Capitol Road sa Barangay Kapitolyo sa Pasig, kung saan na-korner ang aktor matapos mabaril ng mga pulis ang gulong ng sinasakyan nito.

 

 

Pag-amin ni Jake, hindi niya naramdaman na nasagi ng kanyang Jeep Wrangler ang sinasakyan ng mga operatibang nanghabol sa kanya.

"Naguguluhan din kami kung saan nanggaling 'yung bangga, kasi in my car, there's no paint from anywhere. There's no damage in my car aside from the damage that was caused by the gunshots," aniya.

Ayon pa kay Jake, nakakalma lamang siya noong nakarinig na siya ng sirena at nakakita ng unipormadong pulis na siyang nagpahinto sa kanya. Aniya, hindi niya inaasahan na siya pala ang hinuhuli ng mga ito at hindi ang mga naka-civilian na humahabol at nagpapaputok sa kanya.

"I followed everything that they wanted me to do. I followed due process... Hindi ako naglaban, hindi ko sila pinahirapan," aniya.

Nilinaw din ni Jake na salungat sa kumakalat na balita ay hindi siya nakulong. Wala umanong nakitang ilegal sa kanyang sasakyan at wala rin siyang nabanggang tao.

Nais din umano niyang tulungan ang delivery rider na si Eleazar Maritino na tinamaan ng bala ng mga pulis.

"Despite the police taking that responsibility, I also want to extend my hand. In any way, shape, or form that I can help him or his family, I'm willing to do that," aniya.

Pag-amin pa ni Jake, nagdulot sa kanya ng matinding trauma ang nasabing insidente, kung saan nakatanggap ng multiple gunshots ang kanyang sasakyan, at isa na rito ay malapit sa tangke ng gasulina. 

"It was very traumatizing. I'll be very honest na... I think 'yung hindi nasasabi minsan kasi... in the middle of the car chase, in the middle na hinahabol ako ng unmarked cars and pinagbababaril ako. That part I didn't know they were undercover cops. But in my mind [when they were shooting for my tires], I thought they were shooting for me," aniya.

Nagpasalamat din siya sa mga taong nag-alala para sa kanya, kabilang na ang kanyang ama at ang kapwa aktor na si Paulo Avelino na kasama niya noong gabi ng insidente.

"Ang dami pong taong nag-text sa akin. A lot of people expressed their concerns. I really appreciate that, from my family, my friends to my fans, to Kylie (Verzosa). Especially also to my dad and Paulo who are there with me all through the night, all through the experience, and stood there by my side," aniya.

BASAHIN: Paulo Avelino, dinepensahan si Jake Cuenca: ‘Wrong place, wrong time’

Noong Lunes, Oktubre 11, ay sinampahan na si Jake ng kasong disobedience to a person in authority and reckless imprudence resulting in damage to property. Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, hihingan din siya ng prosecutor's office ng counteraffidavit alinsunod sa due process. Sa ngayon ay isang affidavit of undertaking and waiver pa lang ang napirmahan ng aktor.

Wala namang planong maghain ng reklamo si Jake, at hiling lamang niya na maresolba na ang kaso. 

Aniya: "I understand that there are operations out there that we don't know about and people are just doing their jobs. I completely understand that."