• Home
  • Fresh Scoops
  • Makakasama ni Gerald Anderson si Gigi de Lana sa international series na ‘Hello, Heart.’

Gerald Anderson at Gigi de Lana, magsasama sa isang international na proyekto

Makakasama ni Gerald Anderson si Gigi de Lana sa international series na ‘Hello, Heart.’

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/14/2021 03:54 PM
Gerald Anderson at Gigi de Lana, magsasama sa isang international na proyekto
Photo credit: @andersongeraldjr and @gigidelanaofficial Instagram

Magtatambal ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson at online sensation na si Gigi de Lana para sa isang proyekto. 

Nitong Martes, ika-12 ng Oktubre, inanunsyo ng Star Creatives ang international series na may pamagat na Hello, Heart.

Ayon sa Variety, isa itong romantic comedy series tungkol sa isang babae na dumaan sa iba’t-ibang kamalasan hanggang sa nakilala niya ang kanyang lucky charm. 


Iha-hire ng karakter ni Gerald si Gigi na magkunwari bilang kanyang asawa at ipapakilala niya ito sa kanyang lola.

READ: Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Gigi De Lana, and Gerald Anderson to star in new online series

Ipapalabas ang Hello, Heart sa streaming platform na iQiyi. 

Kilala si Gigi de Lana sa kanyang mga song covers sa social media na patok sa mga netizens. 

Una itong nakilala sa “Tawag ng Tanghalan” kung saan lumabas siya bilang Gidget Dela Llana. 

READ: Gigi De Lana releases her first original song ‘Sakalam’: ‘Yung puso ko umaapaw ngayon’

Kasulukuyan itong parte ng ABS-CBN talent management arm na Star Magic at Rise Artists Studio. 

Kamakailan lamang ay inilabas niya ang kanyang orihinal na kanta na “Sakalam” sa ilalim ng Star Music.