• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagsalita si Zeinab Harake tungkol sa kanyang pagbubuntis sa isang panayam kay Toni Gonzaga.

Zeinab Harake sa pagbubuntis niya: ‘Hindi ‘to karma’

Nagsalita si Zeinab Harake tungkol sa kanyang pagbubuntis sa isang panayam kay Toni Gonzaga.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/17/2020 11:27 AM
Zeinab Harake sa pagbubuntis niya: ‘Hindi ‘to karma’
Photo Credit: Celestine Gonzaga-Soriano on YouTube

Sa panayam kay Zeinab Harake ni Toni Gonzaga para sa isang tell-all interview na naganap bago pa man i-anunsyo ng YouTube star sa publiko ang kanyang pagbubuntis.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

Sa nasabing interview, napag-usapan ang iba’t-ibang aspeto ng buhay ni Zeinab kabilang na ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay.


Bagama’t may adoptive son si Zeinab, aminado naman ito na palagi niyang tintanong sa sarili niya kung handa na siya sa kanyang haharaping bagong pagsubok.

READ: Vlogger na si Zeinab Harake, buntis sa unang anak nila ni Skusta Clee

“Paano kapag halimbawa hindi pa pala ako ready? Tapos ‘yung tatay ng magiging baby ko gawin kung ano ‘yung ginawa ng Daddy ko,” saad ni Zeinab.

“Umiiyak ako kasi natatakot ako, anong sasabihin ng tao? Anong sasabihin ng family ko?” Dagdag pa niya: “This is not a mistake. Hindi ‘to karma. Blessing ‘to,”

Samantala, sinabi naman ni Zeinab na maayos ang takbo ng relasyon nila ni Daryl Ruiz o mas kilala bilang Skusta Clee. 

Panoorin ang panayam ni Toni kay Zeinab sa ibaba: 

Bagama’t nakikita niya ang sarili niyang kasama ang rapper sa habambuhay, hahayaan na lang umano niyang panahon ang magdesisyon. Gayunpaman, alam niya sa sarili niya na mahal niya ang ama ng batang nasa kanyang sinapupunan. 

READ: Pagbubuntis ni Zeinab Harake kay Skusta Clee, umani ng batikos; Awra, dumepensa: ‘Never judge a person for their mistakes’

Shop at LAZADA’s 12.12 After Party Sale

Mangiyak-ngiyak naman na sinabi ni Zeinab na hangad niya na malaman ng anak niya balang araw na hindi siya sumuko para sa kanya at ginawa niya ang lahat para dito.