• Home
  • Fresh Scoops
  • Dumepensa ang ilan sa mga malalapit na kaibigan nina Zeinab Harake at Skusta Clee matapos umani ng batikos ang kanilang pagbubuntis.

Pagbubuntis ni Zeinab Harake kay Skusta Clee, umani ng batikos; Awra, dumepensa: ‘Never judge a person for their mistakes’

Dumepensa ang ilan sa mga malalapit na kaibigan nina Zeinab Harake at Skusta Clee matapos umani ng batikos ang kanilang pagbubuntis.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/16/2020 05:06 PM
Pagbubuntis ni Zeinab Harake kay Skusta Clee, umani ng batikos; Awra, dumepensa: ‘Never judge a person for their mistakes’
Photo credit: @zeinab_harake IG

Kamakailan llang ay inanunsyo ni Zeinab Harake na ipinagbubuntis niya ang kanilang unang anak ng sikat na rapper na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang Skusta Clee.

Bagama’t masaya ang karamihan sa kanilang mga tagahanga na #ZieRyl sa pagdadalang-tao ni Zeinab, marami naman ang bumatikos sa pagdadalang tao ni Zeinab lalo pa’t masalimoot ang kanilang naging relasyon noon.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

 

Dumepensa naman si Awra sa magkasintahna at sinabing huwag husgahan ang pagkakamali ng isang tao.  

“Never judge a person for their mistakes, judge a person on how they fix them. Because we cannot change anything unless we accept it. Always remember that happiness can exist only in acceptance. So Happy happpy birthday ate ko,” ani Awra.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rana_Harake (@ranabelz)

 

Nag-trending naman ang isang post mula sa fan page ng kapatid ni Zeinab na si Rana na may patungkol sa iba’t-ibang nanghuhusga sa sikat na vlogger.

Saad ng post: “Maging masaya na lang kayo sa tao dahil nag dadalang tao siya. Nakakaloka ‘yung ibang tao akala mo may naiambag sa buhay eh kung makapag judge akala mo walang ginagawang masama, eh di sige na kayo na perfect nakakahiya naman sa inyo diba?”

Vlogger na si Zeinab Harake, buntis sa unang anak nila ni Skusta Clee

Pagpapatuloy pa nito: “Wala kayong alam sa buhay niya at wala kayong ambag sa mundo ano ambag niyo? Pag chismisan yung mga tao? Sa totoo nga lang di niya kailangan mag explain sainyo kasi sino ba kayo para pag paliwanagan niya? Just saying keep your mouth shut, kung wala kang matinong sasabihin.

Tignan niyo din sarili niyo hindi yung puro ibang tao.”

Tingnan ang nasabing post sa ibaba:

 

Maging masaya na lang kayo sa tao dahil nag dadalang tao siya. Nakakaloka yung ibang tao akala mo may naiambag sa buhay...

Posted by Rana Harake on Sunday, December 13, 2020

 

Ibinahagi ni Zeinab ang kanyang pagdadalang-tao sa isang vlog sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon siyang higit 8.5 million subscribers.

2019 naman nang maghiwalay sina Zeinab at Skusta Clee dahil umano’y sa pambabae noon ng rapper.

Si Skusta Clee namn ay kilala sa iba’t-ibang awitin gaya ng “Zebbiana” na ginawa niya para kay Zeinab Harake.