• Home
  • Fresh Scoops
  • Ginulat ng top vlogger na si Zeinab Harake ang kanyang mga taga-hanga sa balitang nagkabalikan sila ng rapper na si Skusta Clee at siya’y nagdadalangtao din.

Vlogger na si Zeinab Harake, buntis sa unang anak nila ni Skusta Clee

Ginulat ng top vlogger na si Zeinab Harake ang kanyang mga taga-hanga sa balitang nagkabalikan sila ng rapper na si Skusta Clee at siya’y nagdadalangtao din.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/12/2020 11:13 AM
Vlogger na si Zeinab Harake, buntis sa unang anak nila ni Skusta Clee
Photo Credit: @extraordinaryl Instagram

“Birthday Surprise Revelation” ang title ng pinaka bagong vlog ni Zeinab Harake at tunay ngang ginulat nito ang kanyang mga followers dahil sa kanyang pasabog na balitang siya ay buntis sa unang anak nila ng rapper na si Daryl Ruiz, na kilala bilang si Skusta Clee. 

Sa kanyang Youtube channel, na may 8.41 million subscribers, emosyonal na ibinalita ni Zeinab na bukod sa pakikipagbalikan niya kay Daryl, siya din ay nagdadalang tao. 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

 

Hulyo nitong taon nang magkabalikan ang dalawa at ikinwento ni Zeinab na Oktubre nang malaman niyang siya ay buntis. 

“October 6 ko nalaman na preggy ako. Nung nalaman ko ‘yun, actually nakapag-settle naman na kami ni Daryl sa isa't isa. Dito na siya sa akin nag-i-stay nun bago pa namin malaman na buntis ako nun,” aniya. 

Dagdag pa ni Zeinab, "After nun, inayos na muna namin lahat ng problema sa family ko. Kinausap niyan yung mama ko, yung mga kapatid ko, yung daddy ko, sa lahat ng friends namin, sa team ko, sa team niya, sa family niya.” 

Sinabi ni Zeinab na pinili din niya na wag muna ibahagi ang pagbubuntis niya sa publiko dahil sa depression noong panahong iyon. 

“Nagkaroon ako ng doubts and thoughts na ‘anong mangyayari?’ That time kasi ayoko din mastress ng sobra-sobra. Nung nalaman kong preggy ako, sinabi ng doktor na iwasan ko yun stress kasi sobrang baba nun bata. Ayoko naman maapektuhan kasi ito yun dream ko eh,” lahad pa ng vlogger. 

“Happy ako ngayon na sinasabi ko to kasi, after lahat ng struggles na naranasan ko masasabi kong thank you Lord. Kasi may bunga na lahat ng paghihirap ko, pagtitiis ko, pagdadasal ko, na sana one day, ibigay sa akin yun para sa akin at naniniwala ako na ito yun oras na yun.”

Patuloy pa niya, “Hindi ito mistake, blessing ito. Hindi ito karma, galing kay God. At ito ang pinaka magandang regalo na natanggap ko ngayong birthday ko. Sa 22 years na nabubuhay ako, ngayon lang ako nakaramdam ng excitement. Nag-eenjoy ako, sobrang saya ng puso ko, parang tumatalon yun puso ko. Yung imagination ko, naglu-look forward ako sa mga mangyayari, at least ngayon magkakaroon na ako, ng sarili kong family, na matatawag kong sariling akin. Gumuho man ang mundo, ano man ang mangyari meron na akong forever.”

Alam ni Zeinab na di lahat ng supporters niya ay masaya sa balitang ito at nag-sorry siya kung may mga nadisappoint man sa balitang ito. 

“Alam ko hindi ko kailangang magpaliwanag, hindi ko kailangang mag-sorry. Pero nandito ako para lang ma-clear na lahat kasi ayoko na din po talaga ng stress. Pa-birthday na lang at pamasko niyo na lang sa akin,” sabi pa niya.

Bukod sa mga sumusuporta sa kanyang desisyon, nagpasalamat din si Zeinab kay Daryl at sinabing, “Nakita ko talaga yun pagbabago sa kanya. Hindi pa namin alam na buntis ako. Dumating sa point na sinurender niya lahat, sinettle niya lahat, para lang magkaroon ako ng peace of mind na ‘eto na ako, nagbabago na ako para sa yo.’ Nung tinanggap ko siya mas lalo niyang pinatunayan sa akin, may mga effort siya na dati di ko nararamdaman, ngayon nararamdaman ko na. Ito pala yun bunga ng pagbabago.” 

Panoorin ang pagkukwento nila dito: 

Shop at LAZADA this 12.12 Grand Christmas Sale

May 5.7 million views na ang video ni Zeinab at Daryl ngayon.