Anthony Jennings, overwhelmed sa naging pagtanggap sa kanilang tandem ni Maris Racal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Showbiz

Anthony Jennings, overwhelmed sa naging pagtanggap sa kanilang tandem ni Maris Racal

Anthony Jennings, overwhelmed sa naging pagtanggap sa kanilang tandem ni Maris Racal

Clipboard

Masaya at overwhelmed ang Kapamilya actor na si Anthony Jennings matapos makatanggap ng magandang feedback ang tandem nila ni Maris Racal sa Kapamilya series na Can’t Buy Me Love.

Sa isang intimate press conference nitong Miyerkules, Pebrero 7, ibinahagi ng rising actor na nagpapasalamat siya sa mga nakaka-appreciate at sumusuporta sa tambalan nila ni Maris sa hit primetime series.

“Thankful ako na tinatanggap siya ng mga tao and ayun mahal pa rin nila characters namin, yung tandem namin. Kinikilig pa,” pagbabahagi ni Anthony.

Dagdag pa nito: “Sobrang nakaka-overwhelm kasi hindi ko rin ine-expect na magboboom yung character ganoon. Ako nag-internalize lang kasi ako na kailangan makulit ako tapos ito na ako ngayon.”

ADVERTISEMENT

Biro pa ni Anthony na naging kakaibang experience para sa kanila ni Maris ang pagiging isang tandem lalo pa at nagsimula ito sa hindi pangkaraniwang bagay.

“Masaya kasi at least na-recognize nila at saka walang nangyari na ganoon ah kasi first time na magsimula yung love team sa t*e (poop),” wika nito.

Pumatok ang tambalan nina Anthony at Maris sa series na Can’t Buy Me Love kung saan ginagampanan nila ang mga karakter na sina Snoop at Irene Tiu.

Ang naging comedic-bardagulan encounters ng mga ito ang isa sa mga inaabangan ng mga manonood ng serye.

Inalala rin ng 23-taong gulang na aktor ang kanilang unang pagkikita ni Maris kung saan aminado siyang kinabahan lalo pa at sasalang agad sila sa eksena.

“Una kaming nagkita, siyempre presscon pero yung una kaming nagka-eksena doon kami nagka-interaction ni Maris,” pagkukwento ni Anthony.

“Kabadong-kabado ako. Hindi ko alam kung paano. Sabi ko, ‘si Maris ito eh, siyempre kilala ko na at napapanood ko na si Maris. So paano ko gagawin ito?’,” dagdag pa ni Anthony.

Pagbabahagi pa ng aktor na binigyan siya ng direksyon ng ni Cathy Garcia-Sampana na dapat umano nitong ibalibag si Maris na siyang kaniya namang kinausap.

“Magaan naman kausap itong si Maris so feeling ko magkakasundo kami,” aniya, “Excited ako and siya rin naman natuwa rin siya sa outcome nang eksena na ginawa namin.”

Ibinahagi rin ng aktor na naging madali makatrabaho ang aktres dahil sa parehong nilang paraan sa pagpapatawa at sa naging pag-alalay nila sa isa’t isa.

“Parehas kami ng technique kung paano magpatawa ng tao,” saad ni Anthony.

Ani pa nito: “Si Maris magaling siya. Sobrang sarap niya ka-eksena. Magaling siyang kabatuhan ng lines. Napepressure nga ako minsan kasi sabi ko, ‘naku hindi nagbabuckle ito.’”

“Sobrang nagpapasalamat din ako na siya yung naging partner ko rito sa Can’t Buy Me Love. Ang galing. Astig!” wika nito.

Sa isang hiwalay na panayam kay Maris, nagkuwento ito kung paano nagsimula ang "unplanned" na tandem nila na siyang kinagilwan ng mga manonood.

"Actually, until now hindi ako makapaniwala kasi it was all unplanned. Nagkaroon lang kami ng eksena na nakaapak ako ng poop and natuwa naman ako kasi hindi naman laging may makakatambal ka na magwo-work and 'yung humor niyo and very happy ako sa support ng mga tao," pagbabahagi ng aktres sa ABS-CBN News.

Dagdag pa nito: "I don't feel any pressure naman, hindi ako nape-pressure, na ha-happy ako every time may scenes kami ni Anthony."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.