Marco Gumabao, bawal na sa butt exposure at sa frontal nudity | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Marco Gumabao, bawal na sa butt exposure at sa frontal nudity

Marco Gumabao, bawal na sa butt exposure at sa frontal nudity

Leo Bukas

Clipboard

Wala sa isip ni Marco Gumabao ang pagkakaroon ng frontal nudity sa kahit anong pelikulang gagawin niya in the near future. 

Hindi na rin daw siya magpapakita ng behind o magkakaroon ng butt exposure.

Sinabi ito ni Marco sa interview niya kay Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel. 

Inalala rin nila kung paano ba naging hunk at nalinya sa pagpapa-sexy sa pelikula si Marco.

ADVERTISEMENT

“During that time kasi, kailangan kong maghanap ng image o kumbaga, ‘Paano ko ba iba-brand ang sarili ko?’ Eh, nanggaling ako sa pa-tweetums, nanggaling ako sa sitcom, ’di ba, sa Luv U," pagbabahagi ni Marco. 

“So, sabi ko, hindi naman ako forever na nagmumukhang bata screen kasi hindi naman tayo tumatanda nang paurong,” pagre-recall pa ng aktor.

Ang direktor daw na si Ruel Bayani ang nagpayo sa kanya kung paano siya nagpalit ng image.

“Actually, ang nagbigay sa akin ng advice, si Direk Ruel, si RSB. Siya 'yung nagbigay sa akin ng advice before na, ‘Bakit hindi mo kaya i-try na magpa-hunk?’” sey daw sa kanya ng direktor.

“Kasi lahat ng mga tao dumadaan sa usual na love team route or sa mga pakilig-pakilig, ganyan. Sabi niya, ‘Bakit hindi mo i-try? Magpaganda ka ng katawan tapos magpaka-hunk ka.’”

Dito daw siya nagsimulang mag-workout para gumanda ang katawan. 

Hanggang nagpakita ang aktor ng kanyang behind sa movie niya kasama si Anne Curtis.

Lahad niya: “Actually, nung sa first time na nagpakita ako doon sa Just a Stanger, wala talaga siya sa script. Parang napag-usapan lang, parang nag-joke-joke lang na, ‘Oh, magpakita ka na ng ano, Marco.’ ‘Oh, sige.’”

“So nagulat si Direk Jason Paul [Laxamana] na game ako kasi wala naman talaga siya sa usapan. Hindi naman talaga siya planado,” nakangiting kwento ni Marco.

“Ako kasi, kapag na-feel ko na parang pwede siya for this project or pwede siya for the scene, okay lang. Kasi alam mo, eh, kapag pilit o alam mo kapag hindi naman siya kailangan tapos gusto lang ng direktor na ipasok,”  dagdag pa niya.

Patuloy pa ni Marco, “Pero for me, I knew that Just A Stranger was my launching movie, especially pa of course, with Anne Curtis pa. So sabi ko, ‘Parang puwede nga at hindi naman siya pilit, at the same time, mas makakaganda siya sa eksena. Ganu’n. Parang on-the-spot sinabi namin ni Direk.

“Nasa Portugal pa kami nu’n. So sabi ko, ‘Parang okay magpakita ng ano dito sa Portugal.’ ’Di ba, wala ka sa Pilipinas. Sakto. Parang lahat sumakto.”

Piling-pili lang daw ang pelikulang  nagpakita siya ng behind at hindi na umano niya raw ito uulitin.

“Oo naman saka last na 'yun. Wala na. Hahaha!” natatawang lahad ni Marco  kay Ogie.

May pumipigil na ba sa kanyang i-level up pa ang pagpapa-sexy sa movies?

“Sarili ko… Hindi naman pwede sa lahat ng mga projects mo magpapakita ka, di ba? Kumbaga, anong ilo-look forward ng mga fans mo? Ano pang aabangan sa’yo kung lahat-lahat napakita mo na?” sagot ng aktor.

Kota na rin daw siya sa ganu’n.

“So, para sa akin, ang pelikula naman never mawawala ang pelikula, di ba? Hangga’t nandiyan ang isang pelikula, kahit years, hindi na siya mawawala. So kota na siguro ako para doon,” wika pa niya.

Nangangahulugan ba ito na hindi na niya tatangkain pa na mag-frontal nudity.

“Ay, no. May magagalit na. Hahaha!” sagot agad ni Marco. "Hindi pwede, hindi pwede. Okey na 'yung back, 'yung sa likod na lang muna,” huling sabi ni Marco. 

Read More:

Marco Gumabao

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.