Marco Gumabao on working with Anne Curtis: ‘Wala akong masabi. She is perfect’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Marco Gumabao on working with Anne Curtis: ‘Wala akong masabi. She is perfect’

Marco Gumabao on working with Anne Curtis: ‘Wala akong masabi. She is perfect’

Leo Bukas

Clipboard

Tapos na ang syuting ng pelikulang Just A Stranger ng Viva Films na pinagbibidahan nina Anne Curtis at Marco Gumabao na sinulat at idinirek ni Jason Paul Laxamana.

Kinailangan pang magpunta nina Anne at Marco sa Portugal para sa ilang eksena.

“Sa Portugal kasi magmi-meet yung character namin. Pero mas marami ang shoot namin sa Manila,” kuwento ni Marco nang makausap namin siya sa birthday ni Ara Mina.

Nagbigay naman ng konting background si Marco about his character in the movie.

ADVERTISEMENT

Aniya, “Ang character ko do’n is younger than my usual age.”

Ibig bang sabihin cougar si Anne sa movie?

“Basta, pag lumabas na yung trailer,” natatawa niyang reaksyon sa tanong namin.

“Hindi ko kasi alam kung puwede nang sabihin, eh. Ang gusto nila lumabas muna yung trailer,” hirit pa ng binata.

Second time na ni Marco na makakasama sa movie si Anne. They worked together in the thriller film Aurora na ipinalabas noong 2018 Metro Manila Film Festival.

How’s the experience?

“Anne is really… sobrang bait niya. Wala akong masabi. She is perfect, parang I couldn’t ask for anyone else na makasama in this movie.

“Sobrang bait niya, sobrang perfect. That’s why super thankful ako sa Viva and of course kay Anne na ako yung pinili nila to do this,” lahad pa ni Marco.

Sa Just A Stranger ay mae-elevate na si Marco bilang ganap na leading man sa pelikula. Nakakaramdam ba siya ng pressure?

“Siyempre mas nakaka-pressure, pero one project at a time. So focus muna on this one, and then whatever happens after that saka ko na poproblemahin pag andun na,” tugon niya.

Marami ba silang intimate scenes ni Anne sa Just A Stranger?

“Basta,” paiwas niyang sagot sabay tawa nang malakas. “Basta hintayin n’yo na lang yung trailer.”

Eh, kumusta namang katrabaho si Direk Jason?

“Si Direk grabe, mahusay. Alam niya agad kung anong gagawin niya at saka mabilis. Sobrang bilis niyang magtrabaho.”

Wala pang playdate kung kailan ipapalabas ang Just A Stranger but definitely ngayong taon daw ito iso-showing ayon pa kay Marco na gumaganap naman bilang Matteo sa afternoon series ng ABS-CBN na Los Bastardos.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.