Marco Gumabao, sinabing ‘for the end game’ na si Cristine Reyes | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Marco Gumabao, sinabing ‘for the end game’ na si Cristine Reyes

Marco Gumabao, sinabing ‘for the end game’ na si Cristine Reyes

Leo Bukas

Clipboard

First time ng showbiz couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na magkasama sa teleseryeng Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan ng TV5. Kaya naman sabik ang ilang showbiz press na makita silang magkasama sa preview at mediacon ng bago nilang teleserye.

Twenty eight years old na si Marco samantalang 34 naman si Cristine. Konti lang naman ang kanilang age gap at hindi ito masyadong isyu sa dalawa.

Sa mediacon  at special screening ng Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan, kasamang dumating ni Ara Mina na present para suportahan ang kapatid ang kanilang mommy na si Frances Klenk (Mommy Frances).

Saglit lang sa venue ng mediacon si Ara dahil kailangan niyang magpunta ng SM The Block para naman sa premiere night ng kanilang pelikula nina Ai-Ai delas Alas at Quinn Carrillo na Litrato.

ADVERTISEMENT

“Naiwan si mommy kay Cristine. Dun muna siya,” natatawang sabi sa PUSH ni Ara.

Halata namang boto ang mommy ni Cristine sa bagong boyfriend ngayon ni Cristine.

“Oo naman. Ang tatanda na namin para hindi pa siya maging boto. Ha-ha-ha,” katwiran pa ni Ara.

And speaking of Marco, matipid ang reaksyon ng aktor nang tanungin kung si Cristine na ba ang huling babaeng kanyang mamahalin.

Kinikilig na reaksyon ni Marco: “Oo naman! Of course, hindi naman ako magsasayang ng oras kung hindi ko nakikita 'yung isang tao na for the end game."

“Laging itinatanong sa akin ng mga press kung bakit ilang taon na akong single, ayoko pang mag-girlfriend. Kasi hinihintay ko 'yung the right one talaga.”

Ayon naman kay Cristine, masyado raw perrsonal ang tanong kaya naging speechless siya sa kanyang sasabihin.

“Thank you,” tanging nasabi ng aktres.

Nang tanungin kung may suot na bang singsing si Cristine na tanda ng proposal sa kanya ng binata ay natawa lang ang aktres.

“Ha-ha-ha! Wala pa namang ganun,” tugon agad niya.

Sa Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan ay kasama rin si Cesar Montano na gumaganap naman bilang si Cenon, isang senior architect na sa kalaunan ay mai-involve din sa karakter ni Cristine.

Ginanap ang medacon at screening ng Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan sa Cinema 1 ng Gateway Mall. Bukod kina Cesar, Cristine at Marco ay present din sa event ang iba pang cast ng teleserye tulad nina Felix Rocco, Lara Morena, Cindy Miranda, Mickey Ferriols, at marami pang iba.

Ayon pa kay Cesar, tinanggap niya ang TV remake dahil tribute niya ito sa kaibigang direktor na si Marilou Diaz-Abaya who also directed the film a long time ago. Pero sa TV version, sina Jerome Pobocan at Tots Sanchez naman ang mag-didirek.

Magsisimula na ang bagong drama series ng TV5 sa July 25, 4PM.

Going back to Marco, hindi naman napigilan ni Ara na mag-react sa kanyang Instagram post tungkol sa status ng love life ngayon ng kapatid na si Cristine.

“That’s good to know. It means serious siya sa relasyon nila and in love and happy siya sa sister ko. Kasi proud siya," ani Ara.

Pakiusap naman ni Ara kay Marco: “Please take care and love my sister, okay? Make her happy. Please love also her daughter kasi siyempre may plus one na agad yan."

Samantala, matatandaang naging magkarelasyon sina Cristine at Marco nang aminin ni Marco sa publiko ang tungkol sa kanila noong April 2023.

“Itong si Marco kasi lagi siyang nagsu-surprise. And then 'yung Instagram post niya. Nagulat ako dun. Lagi niya akong ginugulat.

"Siyempre, kinilig ako the whole day, buong linggo, buong buwan,” pag-alala ni Cristine.

Patuloy pa niya: “Ako rin nagugulat. Nakakaasar 'yung minsan nagre-relax ka sa bahay, wala kang makeup… “

Hindi na raw inisip noon ni Cristine kung ano ang sasabihin ng mga tao sa pag-amin ni Marco.

“Hindi ko inisip yung tao. Natuwa ako sa gesture niya. On the floor talaga ako. Parang, wow, kinilig talaga ako,” pahayag pa ni Cristine.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.