Lars Pacheco, ipinaliwanag ang muling pagsabak sa Miss International Queen Philippines | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lars Pacheco, ipinaliwanag ang muling pagsabak sa Miss International Queen Philippines

Lars Pacheco, ipinaliwanag ang muling pagsabak sa Miss International Queen Philippines

Francisco Juniour Escuadro

Clipboard

Puspusang paghahanda ngayon ang ginagawa ni 2023 Miss International Queen Philippines finalist Lars Pacheco.

Isa si Lars sa 27 trans-Pinay candidates na lalaban para maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss International Queen na taunang pageant na ginaganap sa Thailand.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sumabak si Lars sa parehong kompetisyon kung saan una nang kinoronahan ang Cebuana beauty na si Fuschia Anne Rivera ng Cebu City bilang ikatlong trans-Pinay beauty at reigning title holder for 2022.

Sa naging panayam ng PUSH kay Lars, ibinihagi nito ang kanyang rason kung bakit siya muling sumabak muli sa nasabing pageant.

ADVERTISEMENT

"This is my second time to join MIQPh. I joined last year. [What made] me decide to join again the MIQPh this year is [because it] partnered with Catalyst Corporation and Motiva. So ang advocacy nila is breast surgery for a cause [where] every surgery, magkakaroon ng proceeds sa Home of the Golden Gays. So, sobra kong na- value ang importance ng ating mga aged members of LGBT community kasi sometimes, naiwan na silang mag-isa. Na left behind na sila ng family nila. Kaya sobrang thankful ako sa organization ng MIQPh, Catalyst and Motiva dahil ayun ang pina-prioritize nila," ani Lars.

Ayon kay Lars, bukod sa paglalatag ng kansyang magandang adbokasiya sa Miss International Queen Philippines,  isa sa bahagi ng kanyang paghahanda ngayon ay ang pag-improve ng kanyang mga naging kahinaan noong unang beses siyang sumabak sa pageant kung saan nabigo siyang masungkit ang korona.

"Unlike before na sobrang pressured ako and talagang nagbabasa ako ng mga comments ng mga bashers ganyan, ngayon medyo mas naging kalmado na po and mas pini-prepare ko ang mind ko more than physical. Kasi I think kung 'yung mental health mo 'yung ginawa mong healthy, 'yun ang magdadala sa'yo eh. Kapag ang mental health mo ay healthy, 'yung physical [health] mo rin, it follows," saad ni Lars.

Second time in a row man aniya siya sa kanyang pagsabak sa Miss International Queen Philippines, isa rin aniya sa pinaka-pinapahalagahan ni Lars ang experience and fulfillment na labis niyang ine-enjoy bilang isang kontesera.

"Actually, this is my second time po and what I really like about in this journey is 'yung sisterhood namin," ani Lars.

"Sa talent portion ko today, pupunta 'yung last year [na mga] girls so sinuportahan nila ako. And 'yung sa season naman ngayon, actually I created a group chat with all of them so we could vibe together, talk about our preparations. So, 'yun naman kasi ang importante. Walang competition, hindi ko na lang alam sa kanila. Kasi sa akin wala po talaga 'yun so 'yun na lang may the best girl win lang palagi and 'yun rin po ang motivation ko sa sarili ko," ani Lars. 

"Ang kagandahan lang po for almost seven years na po ako sumasali sa barangayan pageants, naranasan ko na pong matalo ng maraming beses. And 'yung sinabi ko nga po nong sumali ako ng 'Super Sireyna' and hindi ako nanalo. But after just a month, I landed second runner up and I realized na what's for you will be for you and you just have to wait for the right time," ani Lars.

Pagpapatuloy pa niya: "Sabi nga rin nila, hindi natin mapipilit kung ano ang nakatadhana for you. So I just [accepted] and [looked] back kung ano ang dapat kong i-improve. And just like last year, siguro marami akong naging tagilid na moment and 'yun ang ini-improve ko today." 

Matatandaan na taong 2018 unang gumawa ng pangalan si Lars bilang isa sa mga finalists ng matagumpay na "Miss Q and A" ng It's Showtime kung saan nasungkit niya ang titulo bilang second runner up. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.