Miss Q&A finalist Lars Pacheco, tuloy ang laban bilang negosyante | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Miss Q&A finalist Lars Pacheco, tuloy ang laban bilang negosyante

Miss Q&A finalist Lars Pacheco, tuloy ang laban bilang negosyante

Kiko Escuadro

Clipboard

Unleashing new discoveries ngayon ang ibinahagi ng It’s Showtime Miss Q&A season one finalist na si Lars Pacheco.

Sa kaniyang mga social media posts, masaya at proud na ibinahagi ni Lars ang kaniyang naging pinagkaabalahan ngayong panahon ng lockdown dahil sa COVID-19.

“My Garcilatte slimming coffee coming out soon,” post ni Lars sa kaniyang Instagram.

A post shared by Lars Pacheco (@pachecolars) on

Kuwento niya sa panayam ng PUSH, personal at sariling recipe niya mismo ang kaniyang ginawang slimming coffee.

ADVERTISEMENT

“Sobrang saya ng puso ko na dati iniimagine ko lang magkaroon ng sarili kong brand and now I’m making it happen,” masayang tugon ni Lars sa atin.

Aniya, dahil sa kaniyang pagiging conscious sa kaniyang pangangatawan, naisip ni Lars na pag-aralan at gumawa ng sariling brand ng slimming coffee.

“Nag simula sya kasi I myself is very fan of you know fit body, and it makes me happy kasi yung ibinebenta ko is favorite ko. I have tried marami na ding slimming coffee and naisip ko na why not make my own and you know ilagay yung mas mga effective na ingredient na gusto ko,” sabi pa niya.

Sa kaniyang pakikipag tulungan sa malalaking manufacturing company, nasimulan ni Lars ang kaniyang pangarap.

I partnered with the best manufacturing company and I’m glad kasi nasunod naman nila yung mga ingredients na gusto kong maging content ng coffee,” sabi pa niya.

Paliwanag ni Lars, hands on at tinutukan niya mismo ang naging timpla ng kaniyang sinisimulang brand.

“Actually naka dalawang palit kami ng lasa kasi the first one is hindi ako kontento sa effect so pinadagdagan ko sya ng ingredient and to make sure na super effective ng coffee kaya at least two months ko sya tinry bago ko ilabas.”

Dala na rin ng challenge ngayon sa mundo ng showbiz at pagsali sa pageant, isa rin ito sa paraan ni Lars para magsimula ng kaniyang pangarap bilang isang entrepreneur.

“Yes, plano ko siyang ituloy-tuloy as business para at least, makatulong din ako sa mga gusto ding kumita gaya ko lalo na ngayong pandemic and karamihan sa atin ay nasa bahay, kailangan ng income,” ani Lars.

So I want to help them somehow lose weight with My Garcilatte slimming coffee. And now nag hahanap din ako ng mga taong gustong mag resell and maging distributor para kahit paano, makahelp din akong kumita sila.”

At sa loob ng anim na buwan na ngayong ipinapatupad na quarantine protocols, ibinahagi rin ni Lars ang kaniyang mga discoveries pagdating sa kaniyang sarili.

“Sobrang daming discoveries this pandemic, isa na diyan ang maging plantita (laughs). Nadiscover ko na I can grow plants pala and also lumabas din yung value ng entrepreneurship ko, where in yun nga mas nag focus ako sa business and I always think of ways kung paano kumita this pandemic. Mas naging positive thinker ako, and I always look on the brighter side of life,” kuwento pa ni Lars.

Tulad ng marami na nagsisimulang bumangon at gumawa ng business ngayon pandemic, isa lang rin ang maipapayo ni Lars.

“Ang mapapayo ko lang sa lahat ay magdasal always, proven and tested ang prayers. And also lumayo tayo sa mga bagay tao o sitwasyon na nag bibigay satin ng negativity. Let us surround ourselves with happy thoughts and lets be productive during this hard times,” pahayag pa ni Lars.

Si Lars Pacheco ay ang second runner up ni Juliana Pariscova Segovia sa unang season ng “Miss Q&A” ng “It’s Showtime”.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.