Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at ilang cast members ng ‘2 Good 2 Be True’, dumalaw sa lamay ni Ronaldo Valdez | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at ilang cast members ng ‘2 Good 2 Be True’, dumalaw sa lamay ni Ronaldo Valdez

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at ilang cast members ng ‘2 Good 2 Be True’, dumalaw sa lamay ni Ronaldo Valdez

Clipboard

Nakiramay ang cast ng Kapamilya hit series na 2 Good 2 Be True sa pangunguna ng lead stars nito na si Kathryn Bernardo at si Daniel Padilla sa pagpanaw ng kanilang "Lolo Sir," ang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.

Sa isang Instagram post mula sa talent manager at malapit na kaibigan ni Ronaldo na si Jamela Santos, ibinahagi nito ang pagdalaw ng cast members ng huling series na kinabilangan ng beteranong aktor bago mamayapa.

“'Death leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.' Holding on to these people closest to Pepe's ❤️ while I still can ... @tito.ron.valdez,” maramdaming sinulat ng talent manager sa kaniyang post.

Dumalaw sa pribadong lamay ng 77-taong gulang na aktor sina Gelli de Belen, Alyssa Muhlach, Bianca De Vera, Raul Montesa, at Via Antonio.

ADVERTISEMENT

Kasama rin na nakiramay ang direktor ng 2 Good 2 Be True na si Mae Cruz-Alviar at ang asawa nito na si Benjie Alviar na tinawag ang sarili na "Team Lolo Sir" kasama ang cast ng teleserye.



 Si Ronaldo ay gumanap bilang Sebastian "Hugo" Agcaoili na siyang tunay na lolo ng mekaniko na si Eloy Borja (na ginampanan ni Daniel Padilla) at ang pasyenteng inaalagan ng nurse na si Ali Fajardo (na ginampanan ni A Very Good Girl star Kathryn Bernardo) sa teleserye.

Tumatak ang naging huling role ng beteranong aktor bilang "Lolo Sir" dahil sa nakakaantig na pagganap nito at masayang kuwento ng karakter.

Naging malapit din ang cast members ng hit series lalo na si Kathryn at Ronaldo na tinawag ng dalaga bilang “the lolo I never had”.

"Tito Ron, Ali wouldn't be effective without Lolo Sir, she wouldn't have been able to do every single scene if not for your support," saad ng 27-taong gulang na aktres sa isang appreciation post para sa kaniyang Lolo Sir.



Dagdag pa nito, "I appreciate our random talks about life, your experiences, your favorite food, and so much more. You trusted me fully and I will always be grateful for that. You showed us who you really are behind the 'veteran actor' people know you as, and we just loved you even more. I didn't expect to be so close to you. Thank you."

"Gracious, Kathie! Anu ba yan? Aga-aga pinaiyak mo ko, kainis ka! Everything u said, ryt back at ya!" sagot naman ng aktor.

"I think dis is a mutual admiration society. You will now n forever be my very much luvd 5th apo," mensahe ng namayapang aktor sa dalaga.

Samantala, nagbahagi rin ng litrato ang talent manager kasama ang anak ni Ronaldo na si singer at aktor Janno Gibbs at mga apo nito sa anak na si Melissa. 

Nitong December 18, naglabas ng kompirmasyon ang aktor at singer sa pagpanaw ng ama sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post.

“It is with great sorrow that I confirm my father’s passing,” anunsyo ng mangaawit.

“The family would like to request that you respect our privacy in our grieving moment. Your prayers and condolences are much appreciated,” ani pa ni Janno

Nagpost din si Janno ng larawan kasama si Ronaldo sa kanilang matching brown outfits bilang kaniyang tribute sa yumaong ama.

“The Sweetest Dad Ever 🙏❤️🥰,” sulat nito sa kaniyang Instagram post.



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.