• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpaalam si Julia Barretto kay Marjorie Barretto bago niya tanggapin ang kanyang daring role sa ‘Expensive Candy’.

Marjorie Barretto inihanda ang sarili bago panoorin ang ‘Expensive Candy’ ni Julia Barretto

Nagpaalam si Julia Barretto kay Marjorie Barretto bago niya tanggapin ang kanyang daring role sa ‘Expensive Candy’.

Marjorie Barretto inihanda ang sarili bago panoorin ang ‘Expensive Candy’ ni Julia Barretto-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/08/2022 11:08 AM
Marjorie Barretto inihanda ang sarili bago panoorin ang ‘Expensive Candy’ ni Julia Barretto

Present ang aktres na si Marjorie Barretto kasama ang iba niyang mga anak sa SM The Block nitong Lunes, September 5, 2022 para sa premiere night ng pelikulang Expensive Candy na pinagbibiddahan ng kanyang anak na si Julia Barretto kasama si Carlo Aquino. Ang Expensive Candy na mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana ang kauna-unahang daring at sultry film ni Julia kaya aminado si Marjorie nang makausap siya ng PUSH na kailangan niyang ihanda ang kanyang sarili sa kanyang mapapanood.

Tanong namin kay Marjorie, “Ready ka na ba sa mapapanood mo kay Julia?”


Sagot niya, “Yeah, I think so… Medyo I have to prepare myself for that. This is a grown up Julia, you know, but a better definitely version of her.”

Idinagdag din ni Marjorie na pinagtrabahuhan talaga nang husto ni Julia ang Expensive Candy.

“She’s really worked so hard and she’s very excited about this project so I have to be supportive,” sabi pa niya.

BASAHIN: Carlo Aquino nahirapang tingnan nang may malisya si Julia Barretto sa ‘Expensive Candy’

Inamin din ni Marjorie may basbas mula sa kanya bago gawin ni Julia ang pelikula.

Aniya, “Oh yes, I read the script . I approved it. And you know, you have to… di ba you raise your kids and then you just wish that they are wise enough na to make decisions. She’s 25 years old and I trust her and ang ganda nung movie at ang ganda ng script. At saka si Direk JP yon, and Carlo  Aquino, so how can you go wrong?”

Sa hiwalay na interbyu namin kay Julia ay nabanggit din niya ang tungkol dito. Na kailangan muna niyang hingin ang approval ng kanyang ina bago niya gawin ang Expensive Candy.

“Nag-usap kami and she gave me the go signal. Actually, everybody was really excited from the very beginning and, like I said, they really loved Between Maybes at yung naging collaboration namin ni Direk JP,” kuwento ni Julia.

Hindi naman maiwasang maikumpara ang pelikula ni Julia sa blockbuster film na Pretty Woman nina Julia Roberts at Richard Gere na tungkol din sa isang sex worker na naghahanap ng tunay na pagmamahal.

Lahad ni Julia, “Yung Pretty Woman, it’s more than just… ano rin yung hiningi kay Julia Roberts. It’s also the love story that napanood natin so I always wanted to tackle a story na talagang isinu-showcase yung romance in that angle.

“I feel like kapag mina-manifest mo talaga yung isang bagay, ibibigay sa 'yo ng Diyos so parang na-attract ko siya.”

BASAHIN:Julia Barretto, paano inihanda ang sarili bilang ‘Expensive Candy’?

Pagkatapos ng premiere night ay hindi naman napigilan ni Direk JP ang maging emosyonal dahil sa mainit na pagtanggap sa Expensive Candy at sa magagandang komento ng mga nakapanood nito.

“More than the movie itself, na-miss ko kasi yung ganito… sinehan. Kami po, lalung-lalo na ako, ito lang po yung trabaho ko, yung pagiging direktor. Yung sinehan po ang tahanan namin.

"So, naging emotional lang ako na nakakabalik na tayo sa ganito. Sana po magtuluy-tuloy na,” umiiyak na pahayag ng direktor.

Mapapanood ang Expensive Candy sa mga sinehan simula sa September 14.