• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Carlo Aquino, bata pa lang si Julia Barretto ay nakikita na daw niya ito noon sa ABS-CBN.

Carlo Aquino nahirapang tingnan nang may malisya si Julia Barretto sa ‘Expensive Candy’

Ayon kay Carlo Aquino, bata pa lang si Julia Barretto ay nakikita na daw niya ito noon sa ABS-CBN.

Carlo Aquino nahirapang tingnan nang may malisya si Julia Barretto sa ‘Expensive Candy’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/03/2022 06:37 PM
Carlo Aquino nahirapang tingnan nang may malisya si Julia Barretto sa ‘Expensive Candy’
Photo Credit: @jose_liwanag on Instagram

Aminado si Carlo Aquino na nagdalawang isip siyang tanggapin ang pelikulang Expensive Candy na unang tambalan nila ni Julia Barretto. Ito ay dahil daw sa kanyang anak at sa role niya sa pelikula.

“Parang kung naaalala ko, Carlo, ikaw yung kinakabahan non, eh. Noong prinesent yung story. Nag-message siya sa akin sa Facebook, tapos iba yung pangalan.

“Unang mga tanong pa lang niya nase-sense ko na baka akala nito yung mga R-Rated na bold movies,” kuwento ng direktor ng Expensive Candy na si Jason Paul Laxamana.


“Parang sinabi ko sa kanya, mas malala pa yung ginawa mo sa Cinemalaya. Tawa siya nang tawa kasi hindi niya inexpect na alam ko yung mga pelikulang ganon. Bottomline, romance movie pa rin na ito just so happened na ganun yung setting.”

BASAHIN: WATCH: Julia Barretto, Carlo Aquino go sexy in new film ‘Expensive Candy’

Personal choice din daw ng direktor si Carlo for the role kaya laking pasalamat niya na tinanggap ito ng aktor.

“Personal choice ko nga si Carlo kasi si Carlo matagal ko ng kinukulit yan, eh. So, noong nagkaroon ng opportunity para kunin siya, I thought perfect siya para dito sa Expensive Candy,” wika ni Direk JP.

Ayon naman kay Carlo isa sa pinakamahirap niyang ginawa sa pelikula ay tingnan nang may pagnanasa o malisya si Julia na bata pa lang daw ay nakikita na niya ito sa ABS-CBN.

“Noong una ko siyang makilala, si Juju ang tawag sa kanya kasi nga bata pa lang siya. Who knew na darating ang panahon na magiging magkapareha pala kami. So in the movie, I have to look at her in a different light.

“Sa kuwento, pataas nang pataas ang presyo niya tuwing kukunin ko siya, kaya nga ‘Expensive Candy’ ang title ng movie. Sabi nga ng director naming si JP Laxamana, dapat ang tingin ko sa kanya yung may desire, may malisya, ganu’n,” ani Carlo.

Gaganap na isang teacher pero greenhorn pagdating sa sex ang character ni Carlo, habang sex worker naman ang papel ni Julia.

Pinuri rin ni Carlo qng husay ni Julia bilang aktres sa pelikula.

Lahad niya, “She’s also good in drama. Meron kaming mahabang confrontation scene and she’s very convincing. Talagang humanga ako sa kanyang pagiging aktres.”

“Mahirap yung role niya, kasi may dance sequence pa siya, but she pulled it off seamlessly. Ang ganda ng pagkakagawa niya kasi she just totally let go of all her inhibitions at niyakap niya nang buong-buo ang role ni Candy, the streetwalker. Pasok na pasok talaga siya and I’m so proud of her work in this movie.”

BASAHIN: Alora Sasam, dream come true ang maka-eksena si Carlo Aquino

Ibinahagi rin ng aktor kung ano ang mensahe na nais iparating ng pelikula.

“Dapat, ang love, hindi judgmental. Ako, teacher dito na nagmahal sa isang pokpok and siyempre, our society looks down on that kind of relationship. Kung mahal mo talaga ang isang tao, dapat, ipaglaban mo.

“Dito, yung love ko for her inspired me, motivated me to work very hard para masundan ko yung pagiging very expensive ni Candy. So, panoorin nyo yung aming journey ni Julia  (sa September 14) as Toto and Candy in ‘Expensive Candy’ as we really did our best for you to enjoy it,” deklara pa ng magaling na aktor.