• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto, pumunta pa sa ‘red district’ para pag-aralan ang kanyang role.

Julia Barretto, paano inihanda ang sarili bilang ‘Expensive Candy’?

Julia Barretto, pumunta pa sa ‘red district’ para pag-aralan ang kanyang role.

Julia Barretto, paano inihanda ang sarili bilang ‘Expensive Candy’?-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/24/2022 02:13 PM
Julia Barretto, paano inihanda ang sarili bilang ‘Expensive Candy’?
Photo credit to @juliabarretto Instagram

Trending sa social media ang mga sexy photos ni Julia Barretto para sa latest movie niyang Expensive Candy na ipapalabas sa sinehan sa September 14. Maging ang trailer ng pelikulang first time nilang pinagsamahan ni Carlo Aquino ay naka-three million views kaagad in two days.

Sa Expensive Candy ay papel ng isang sex worker na Candy ang pangalan ang kanyang ginagampanan. Tinanggap niya ang pelikula dahil hindi niya raw kayang tanggihan si Direk Jason Paul Laxamana na naging direktor niya noon sa pelikulang Between Maybes na pinagtambalan naman nila ng boyfriend na si Gerald Anderson.

BASAHIN: Julia Barretto, Carlo Aquino go sexy in new film ‘Expensive Candy’


“Never akong makaka-no kay Direk JP kahit ano pa yung ibigay niya, ipagawa sa akin, hindi ako makaka-no. Number one, the story is really nice. Nung nabasa ko yung script, I immediately knew I want to do it and I feel like I’m already at a point in my life where it’s okay to get out of my comfort zone. So, yeah, I’m very much excited to do this,” pahayag ni Julia sa ginanap na virtual conference ng pelikula nitong Martes, August 23.

Ibinahagi rin ng aktres ang mga naging paghahandang ginawa niya para sa kanyang karakter sa pelikula tulad ng pag-aaral ng sexy dances, pagkausap ng mga totoong sex worker, at immersion sa lugar na tinatawag na “walking street” or “red district.”

Kuwento ni Julia, “Ang daming beses namin nag-usap ni Direk at saka nag-meet bago kami nag-start mag-roll. Pero siguro, my favorite thing always to do before doing a film is immersing. Unforgettable yung night namin ni Direk sa Angeles City and we were able to visit the walking street kung saan mismo kami nag-shoot.”

BASAHIN:  Julia Barretto goes around La Union in latest vlog

Na-experience din ni Julia ang mag-table ng babae sa club.

“Tineybol ko. Naka-disguise po kasi kami no’n nung una. So nung tineybol ko siya, hindi po sure kung akala niya isa pa akong babae na interesado sa kanya na hindi niya alam kung anong gagawin ko sa kanya. Until later on, I had to introduce myself and kinailangan kong sabihin yung intention ko of being there. And nakasama rin namin siya sa shooting but I want to protect her identity so…

“Tapos, naghanap po kami ng puwedeng reference ko for Candy, na ngayon, naging kaibigan ko rin. Meron po akong mga naging kaibigan at saka mga nakilala nung gabing yon. Marami po akong naitanong. But I guess, just to protect them as well, I don’t want to divulge any information.

“But I did get a few tips and tricks and a little bit of dance moves from the women there. They’re amazing. The girls there are amazing,” dagdag niyang pahayag.

Patuloy pa ni Julia, “I thought after ASAP, tapos na akong sumayaw, pero napasabak ako sa G-Force for this. Nag-workshop muna ako ng mga seksing sayaw bago kami mag-start mag-roll. That’s the best part, immersing to become the character.

“Marami po akong kinailangang panoorin for this but iba pa po talaga yung mag-immerse ka kung saan naka-set at naka-based yung kuwento.”

BASAHIN: Julia Barretto recreates look in viral dancing video

Aminado rin si Julia na kumpara sa mga nagdaang pelikulang nagawa na niya ay itong Expensive Candy talaga ang pinaka-challenging.

“It was very challenging. This movie really challenged me in a very physical way, mentally and emotionally—just being comfortable in the outfits that I had to wear, in front of a lot of different people.

“Si Candy kasi hindi naman siya about pagpapaseksi lang. Si Candy, palaging may intention of seducing. I think being sexy and having to seduce, after this film, I realized they’re two very different things. So, iba yung sexy ka sa nang-aakit ka,” paliwanag ng aktres.