• Home
  • Fresh Scoops
  • Natupad ang pangarap ng aktres na si Alora Sasam ang maka-eksena ang kanyang '90s crush na si Carlo Aquino.

Alora Sasam, dream come true ang maka-eksena si Carlo Aquino

Natupad ang pangarap ng aktres na si Alora Sasam ang maka-eksena ang kanyang '90s crush na si Carlo Aquino.

Alora Sasam, dream come true ang maka-eksena si Carlo Aquino-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/29/2022 02:51 PM
Alora Sasam, dream come true ang maka-eksena si Carlo Aquino

Natupad ang matagal nang pangarap ng aktres na si Alora Sasam ang maka-eksena ang kanyang ultimate '90s crush na si Carlo Aquino. 

Sa kanyang post sa Instagram, ibinahagi ni Alora ang saya na makatrabaho si Carlo na bata pa lamang siya ay napapanood na niya sa telebisyon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by alora sasam (@alorskieee)


"Dear 10 years old me, congratulations naka-eksena mo na si Junjun ng G-mik!!! I am so happy for you!!! Sino mag-aakala na ang batang probinsyanang hamog from Lanao del Norte ay matutupad ang pangarap niyang makatrabaho ang isa sa mga batikang aktor na idolo niya. Akala mo di na mangyayari di ba? Buti na antay mo pa ang moment nato. Another resibo from the universe na dreams do come true in God’s perfect timing," ani Alora.

Sa kanyang mensahe kay Carlo, nagpasalamat ang aktres sa pagiging mabuting katrabaho at kaibigan ng aktor. 

"To my ultimate ‘90s crushie di lang halata pero in denial ako all throughout the shoot na kasama kita. Kailangan di ako kainin ng reality na si Carlo Aquino na kasama ko kasi baka mabuang ako di ko magawa eksena natin. Kawindang pa, may isang eksena na tayo lang dalawa. Seryoso pa. Juskoodzaii di pwede ma starstruck. Kaya diba napatalon ako after good take. Dun ko lang nalabas ang saya ko," aniya. 

"Maraming salamat sa pagtawa sa mga kalokohan ko. Saglit man kita nakasama sa shoot pero hindi ko makakalimutan ang experience na ‘to. Lalo na ang mmk experience sa tent hahaha Dada Nakilala kita kahit papano. Kung gaano mo kamahal si Mithi. Ang swerte ng anak mo sa’yo. Pinagdarasal ko na sana marami pa kayong pagsaluhang happy memories kahit sumakit likod mo kakakarga sa kanya. Haaayyy may God bless you more! Maraming salamat kaibigan na kita… uuyyy galing sa’yo yan baka sabihin feeling close ako. Ooo sabi ko cheesy akong kaibigan. Good luck! Lalalabyu Dada! Huhuhu."

Sa huli, biro ni Alora: "Sana makatrabaho pa kita. Bitin eh. Next time yung bed scenes naman aluuuhhh hahahaha."

READ: Alora Sasam apologizes to KathNiel: ‘May mga bagay na di inaasahan’

Tampok sina Alora at Carlo sa bagong serye na Ex Factor kung saan bibida rin sina Ria Atayde at Jake Ejercito.