Vhong Navarro, nilipat na sa NBI detention center | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Vhong Navarro, nilipat na sa NBI detention center

Leah Bueno
Published Sep 20, 2022 09:24 PM PHT

Matapos sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI), nilipat na si Vhong Navarro sa NBI Detention Center sa Taft Avenue, Manila nitong Martes ng umaga, Setyembre 20, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Matatandaan na nahaharap si Vhong sa mga kasong acts of lasciviousness at rape na isinampa noong 2014 ni Deniece Cornejo. Nito lamang Lunes, Setyembre 19, nang maghain ang Taguig Regional Trial Court ng warrant of arrest laban sa kanya.

"Totoo, Jeff, na si Mr. Vhong Navarro in the meantime ay nakakulong, nakakulong para sa isang alegasyon ng rape, na kaya ko ikinwento ng mahaba ay alam natin na hindi siya mako-convict doon,” ani ng lawyer ng actor na si Atty. Alma Malongga sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo.

"I think physically si Vhong is OK. Ako ay kumpiyansa na habang siya ay nasa NBI he will be safe. Yun ang pinakaimportante. Dun sa ibang tanong na kumusta siya emotionally, I am very sure he's not OK. Siguro katulad ng mga nagmamahal sa kanyang iba, malungkot ang mga pangyayari kahapon. Ang importante ay we will continue to do what is necessary . Lalaban tayo,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT
Matatandaan na kasunod ng kanyang arrest warrant ay kaagad ding sumuko ang It’s Showtime host sa mga awtoridad at sinabing handa siyang makipag-tulungan kaugnay sa kanyang kaso.

“Ever since na nagsimula 'to, nagsabi ako ng katotohanan. Hindi ako nagsinungaling. Consistent ako dun sa mga affidavit namin. Kumbaga lahat kinwento ko dun. 'Di ba paulit-ulit kong sinasabi, ang pagkakasala ko, ang kasalanan ko rito ay 'yung niloko ko 'yung girlfriend ko noon at ito na 'yung wife ko noon,” ani Vhong.

Nito lamang Hulyo nang binawi at binaliktad ng Court of Appeals ang desisyon ng Department of Justice noong 2018 at 2020 na ibasura ang reklamong rape na isinampa ni Deniece laban kay Vhong.

Ayon sa ABS-CBN News, maaaring mag-bail si Vhong sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya sa halagang P36,000.