• Home
  • Fresh Scoops
  • Ito ang unang pagkakataon na magsasama sa isang proyekto sina Cathy Garcia Molina at Vice Ganda.

Cathy Garcia Molina, excited sa pagsasama nila ni Vice Ganda sa MMFF

Ito ang unang pagkakataon na magsasama sa isang proyekto sina Cathy Garcia Molina at Vice Ganda.

Cathy Garcia Molina, excited sa pagsasama nila ni Vice Ganda sa MMFF-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/31/2022 02:15 PM
Cathy Garcia Molina, excited sa pagsasama nila ni Vice Ganda sa MMFF
Photo credit to @micodelrosario1 Instagram

Sa muling pag-sapit ng Kapaskuhan, isang proyekto ang hatid ng ABS-CBN Films sa pangunguna ng Unkababogable star Vice Ganda together with Kapamilya star Ivana Alawi, ang Partners In Crime.

Ang Partners In Crime ay isa sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2022 na gagawin ng blockbuster movie director na si Cathy Garcia Molina.

READ: Vice Ganda at Coco Martin balik-MMFF


Sa panayam ng Cinema News, nagbigay detalye si Direk Cathy sa proyektong gagawin kasama si Vice Ganda.

“Excited ako first time lahat. First time andun excitement at the same time ‘di naman takot-alinlangan siguro, kasi ‘di ko alam paano mag work,” masayang bungad ni Direk Cathy.

Kuwento ng blockbuster movie director , ito ang first time na magsasama sila ni Vice Ganda sa isang project na isa sa kaniyang mga nilu-look forward.

“Vice has been open to me na ‘Direk we are one team magtulungan tayo to give the audience the best movie,’” ani direk Cathy. 

Looking forward rin ang blockbuster movie director sa masasabi niyang collaborative work ideas nila ni Vice na ibabahagi nila sa kanilang nga manunuod.

“Exciting [kasi] mas kilala ako sa love story, si Vice comedy. So paano kami gagawa ng may loves tory and at the same time makakapag patawa at makakapag entertain. Kasi, at the end of the day MMFF, all year long dream natin makapagpasaya especially MMFF and Christmas time,” sambit pa ng direktor.

Aniya, nagsimula na silang mag-usap ni Vice sa isang get together.

“Request ni Vice to meet me and my staff para mag discuss ng intentions. I brought my staff-my family na makakasama niya na lagi ko mga kasama. Ganun di si Vice magiging parte ng family. Kumbaga getting to know each other. I like the idea kasi pangit sa first day lang magkita-kita ‘di ba?” ani direktor.

Masayang pagbabahagi rin ng direktor na naging productive ang kanilang pagkikita na tila simula ng magandang pagkakaibigan rin nila ni Vice.

“It was fun. Movie-filled talks about love and friendship. Sinimulan na namin dapat kaming magkakaibigan para magtranslate sa film.”

Gaya naman ng kadalasang tanong sa mga bahagi ng MMFF taon-taon, aminado si Direk Cathy na gusto nilang ibigay ang kanilang best para mga movie goers.

“Ipokritang sabihin na ‘di namin gusto mag number one. Alam natin magagaling ang ibang entries good competition kasi, makikinabang audience lahat ng viewers at nagpapagandahan ang pelikula. Makikinabang ang mga nanonood kasi worth the money ang (napanood nila) kaya gusto namin mag number one mas importante nakapagpasaya kami sa manonood,” sambit ni Direk Cathy.

Sa huli isa lang ang sinigurado ng blockbuster movie director sa kanilang pamaskong handog sa mga nag-aabang ng MMFF ngayong taon.

“Bawat sentimo bawat risk sana masuklian namin ng entertainment I believe that’s what we are here for to entertain make people happy. Pag natuwa sila, sabihin sa kamag-anak kaibigan safe manuod.”