Jake Cuenca at Dimples Romana muling magsasama sa BL project na ‘My Father, Myself’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jake Cuenca at Dimples Romana muling magsasama sa BL project na ‘My Father, Myself’

Leo Bukas
Published Aug 20, 2022 06:12 PM PHT

Pagkatapos gumanap bilang dating mag-asawa sa Kapamilya series na Viral Scandal ay muling magsasama sa isang proyekto sina Dimples Romana at Jake Cuenca. Ito ay sa pelikulang My Father, Myself mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

Ayon kay Jake, kaagad niyang tinanggap ang movie offer kahit BL (Boys Love) ang genre nito dahil si Joel ang direktor nito na siya ring nag-direk ng unang BL movie niyang Lihis kasama si Joem Bascon noong 2013.

”Sabi ko nga, if I’m going to do a BL I really want to do it with Direk Joel Lamangan. Kasi the first time I did, si Direk Joel yung nag-alaga sa akin. Buo ang tiwala ko kay Direk Joel,” pagre-recall ng aktor.

“Nasa bucket list ko this year na gumawa talaga ng BL. Ang dami ko na ring nagawa this year na project pero hindi pa ako nakakagawa ng BL ulit. I think this is a perfect material kasi ang galing ng kuwento, ang ganda ng material tapos buo pa ang tiwala ko sa direktor,” dagdag pa niya.

Nakausap ng PUSH si Jake at Dimples sa storycon ng My Father, Myself na sinulat ni Quinn Carrillo at prinodyus ng 3:16 Media Network.

Sa palagay ba niya ay tuloy-tuloy na ang mga tao sa panonood ng sine ngayon.

“Parang ang laking adjustment for everyone nung nangyaring pandemya. Lahat tayo hindi nakatikim ng pelikula at lahat tayo ay hindi nakapasok ng cinema. Marami ang takot, di ba?

“Nung dumating itong offer sabi ko, this is it! Kasi ang ganda ng first wave ng mga nilabas na pelikula. Nagpunta ako sa premiere night nina Paulo (Avelino), nina Janine Gutierrez and to be part of this genre na ilalabas sa sinehan proud ako,” sagot ni Jake.

Speaking of Dimples, kaagad ding tinanggap ng aktres ang pelikula dahil sa ganda ng istorya nito at kay Direk Joel.
Speaking of Dimples, kaagad ding tinanggap ng aktres ang pelikula dahil sa ganda ng istorya nito at kay Direk Joel.
ADVERTISEMENT
Kuwento ni Dimples, “Bata pa lang ako nakakatrabaho ko na si Direk Joel. I did Your Honor, Patikol, Burgos, at iba pa and these are all very memorable materials for me.

“Actually, when I was reading the script I was in Australia and as you know I’m very careful with the movies I make. I always love working with Direk Joel and yung mga binibigay nila sa akin are really good materials and I feel like I don’t think I’ve been part of a movie like this. This is really a very good one for me na ganito ang tema.”

Bukod sa direktor at sa tema ng pelikula ay malaking factor din daw na si Jake Cuenca ang makakama niya sa project kaya agad niya rin itong tinanggap.

“I’m doing this because you are Robert here. Kung hindi si Jake ang gaganap nung karakter na yon parang hindi ko ito tatanggapin,” sabi niya kay Jake na ikinatuwa siyempre ng aktor.

“Nagkatrabaho na kami ni Dimple sa Viral Scandal and bitin, eh. At least dito sa bagong material parang less ano, kumbaga wala tayong MTRCB at saka hindi TV kaya mas marami kaming maipapakita dito and I’m excited,” komento naman ni Jake.

Hirit ulit ni Dimples: “Tsaka the material, oh my gosh! When I read it I was… Di ba minsan pag nagbabasa ka ng script puwede mong ibaba, eh, pero ito yung script na hindi mo mabitiwan. Sobrang ganda din nung twist nung story, super nice.”

Hindi naman itinanggi ni Dimples na nakakaramdam siya ng kaba sa gagawing pelikula dahil matagal na raw nang huli siyang umarte.

“Na-realize ko, ‘Hala, ang tagal ko palang hindi umarte,’ tapos si Direk Joel pa ang kasama ko at si Jake pa. Siyempre, may kaba factor talaga ako kasi hindi naman ako de-buton,” rason ng aktres.

“Kasi alam mo yang craft na yan, inaayos yan at pinapayabong. And it only happens if you practice it a lot. But the thing is I haven’t been acting for a while and perfect na rin because I have Direk Joel and remember Direk Joel has been my director even when I hardly knew anything,” sey ulit ng aktres.

May mga maseselang eksena si Jake at Sean de Guzman sa pelikula pero pagdating kay Dimples ay hindi na raw niya ito kailangang gawin.

“At saka si Dimps hindi na kailangan ng ganun, Yung mga eksena namin hindi man siya physical pero more on emotion siya. Mas mahirap yon kasi wala kang visuals na naghahalikan or whatever, mas mahirap yon,” sey naman ni Jake.

Pareho naman ng naging pananaw sina Jake at Dimples na acting piece material ang pelikulang pagsasamahan nila.

Ani Jake, “Ramdam mo rin kasi sa script na it’s an acting piece. Oo, may sexy scenes pero hindi siya basta sexy film.”

Sinusugan naman ito ni Dimples at sinabing, “Alam n’yo, sa pelikulang ito yung Jake sigurado akong mapapansin talaga, kasi nakikita ko na, eh. Tama siya, acting piece yung role niya. It’s every actors’ dream, that script is every actors’ dream because nilatag siya in a way na… kasi wala naman akong madaming scenes, eh, pero yung scenes ko sabi ko, ‘Ah, may ganun pala siya.’”

Ang My Father, Myself ay istorya ng karakter ni Jake na isang ordinaryong pamilyadong tao na maraming itinatagong sikreto pagdating sa kanyang sekswalidad.