Camille Prats, may babala sa mga netizens; umano’y ‘ineendorsong’ brand, hindi totoo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Camille Prats, may babala sa mga netizens; umano’y ‘ineendorsong’ brand, hindi totoo

Camille Prats, may babala sa mga netizens; umano’y ‘ineendorsong’ brand, hindi totoo

Pao Apostol

Clipboard

Nagbigay ng babala ang aktres at celebrity parent na si Camille Prats tungkol sa mga gumagamit sa litrato ng kanyang pamilya upang mag-endorso ng mga produkto.

Ani Camille, marami siyang natanggap na mga mensahe tungkol sa pag-eendorso niya ng mga snacks at cereals. Ito ay matapos kumalat ang mga litrato sa social media na ineendorso nila ang produktong ito.

“PLEASE READ I have been getting a lot of messages about this photo of our family endorsing some snacks and cereals. Guys, THIS IS A SCAM we are not endorsing such products,” paglilinaw ni Camille.

Ayon pa kay Camille, tanging sa kanilang official social media accounts lamang makikita ang mga produktong ineendorso nila.

ADVERTISEMENT

“Our collabs with brands are ONLY posted on my official social media platforms and nowhere else. These posts have been reported but they keep creating new ones,” saad ni Camille.

Bagama’t nireport na umano nila Camille ang mga nasabing posts, patuloy pa rin umanong gumagawa ng mga bagong posts.

“These posts have been reported but they keep creating new ones swipe left to see a message of my friend's who purchased expired products.”

Pinayuhan naman ni Camille na i-report ang mga posts na ito sakaling dumaan sa kanilang Facebook feed. Ani pa ni Camille, siguraduhing “verified” ang account bago sila bumili ng mga produkto na makikita sa social media.

“Please report if you come across it. Always check if the account is verified before clicking/ purchasing. Let's all be vigilant in posts like these. Madami ng magaling mag edit at mangbudol,” ani Camille.

Ayon naman sa kapwa celebrity ni Camille na si Lovely Abella, maraming artista ang gumagamit ng ganitong modus.

Maging ang Kapamilya stars na sina Janella Salvador at Kathryn Bernardo ay nagamit din umano ang mga pangalan sa modus na ito ayon sa isang netizen.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.