• Home
  • Fresh Scoops
  • Ginulat ni Camille Prats ang kanyang mga tagahanga at kapwa artista sa kanyang bagong shoot kung saan ibinida nito ang kanyang fierce side.

Camille Prats, nagpasabog sa kanyang bagong shoot

Ginulat ni Camille Prats ang kanyang mga tagahanga at kapwa artista sa kanyang bagong shoot kung saan ibinida nito ang kanyang fierce side.

Camille Prats, nagpasabog sa kanyang bagong shoot-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/29/2022 04:26 PM
Camille Prats, nagpasabog sa kanyang bagong shoot
Photo credit to @camilleprats Instagram

Ginulat ni Camille Prats ang kanyang mga tagahanga at kapwa artista sa kanyang bagong shoot kung saan ibinida nito ang kanyang fierce side.

Kuha ng photographer na si Jerick Sanchez ang mga larawan, kung saan makikitang daring at sexy ang aktres sa kanyang all-black outfit.

Hindi malinaw kung para saan ang nasabing shoot na ito ni Camille, ngunit kapansin-pansin sa kanyang mga post ang hashtag na CamillexMidnight.

Bukod sa kanyang mga fans, tila pinahanga rin ng aktres ang ilan sa mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz, kabilang na sina Maja Salvador, Jolina Magdangal, Nikki Gil, Iya Villania, Shaina Magdayao, Winwyn Marquez, at Beauty Gonzalez.

Matatandaan na nito lamang nakaraan taon nang ginulat din ni Camille ang lahat sa kanyang fitness transformation.

Sa nakaraang panayam, ibinahagi ni Camille na "commitment" ang sikreto sa nakakabilib na pagbawas nila ng timbang ng mister na si VJ Yambao.

READ: Camille Prats addresses comments on her slimmer figure: ‘I am at my healthiest’

"The commitment is the key to the changes that happened to me, to the transformation. It's really about committing to working out, like really doing quality workouts, devoting 30 to 45 minutes of your time each day," aniya.

"Sometimes kasi when we work out it depends on our mood. If we're in the mood to work out, we'll do it. But if we're not, then we won't do it. Hindi siya priority kasi," sabi pa niya. "But for me and my husband, we made it our top priority."

Payo naman Camille sa mga nais ding magbawas ng timbang tulad nila ni VJ: "If you want to change something about yourself, then you have to commit yourself. You shouldn't mind what other people will say because everyone will always have something to say."