Donnalyn Bartolome, dinepensahan ang ‘kanto-themed’ party: ‘This was my life when I left home abroad’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Donnalyn Bartolome, dinepensahan ang ‘kanto-themed’ party: ‘This was my life when I left home abroad’

Pao Apostol
Published Aug 17, 2022 12:42 AM PHT

Dumepensa ang aktres at content creator na si Donnalyn Bartolome kasunod ng kaliwa’t kanang batikos sa kanya dahil sa kanyang “kanto-themed” birthday party.

Matatandaang pinuna ng maraming netizens ang umano’y pag “sensationalize niya sa tinatawag na “poverty porn” matapos niyang ilabas ang kanyang vlog na pinamagatan niyang “My Kanto Birthday Party.” Dinaluhan ng maraming artista at influencers ang kanyang birthday party.

Ayon sa mga netizens, hindi tamang gawing theme ang araw-araw na buhay at pinagdadaanan ng mga Pilipino.

Ngunit sa isang Facebook post, dinepensahan ni Donnalyn ang kanyang sarili at sinabi ni Donnalyn na hindi lamang ito konsepto kundi totoong karanasan niya sa buhay.

“My Kanto Birthday Party is not just a concept, this was my life when I left home abroad where my life was comfortable.. pero hindi mo maaabot pangarap mo sa pagiging komportable lagi,” paliwanag ni Donnalyn.

“Kaya nung umalis ako sa amin to work here sa Pinas, hindi ko inaasahan, kahit mahirap, isa siya sa adventure ko sa buhay na hindi ko makakalimutan,” dagdag pa niya.

Kaya naman ayon sa kanya, nagdesisyon siyang i-relive o muling isabuhay ang kanyang buhay noon sa pamamagitan ng isang birthday party.

“So I relived the times when I was just starting out on my bday last month July 9, just like nung time na walang wala pa ako.. pero nandiyan yung mga taong mahal ako kahit butas butas ang shorts.. at murang sapatos at tsinelas lang kaya kong bilihin,” aniya.

Dagdag pa niya: “Ngayon.. mas dumami pa ang nagmamahal sa akin kahit ganito mga trip ko.. kayo na mag caption each photo.”

Panoorin ang kanyang vlog sa ibaba:
Panoorin ang kanyang vlog sa ibaba:
Sa ngayon, aabot na sa halos 5 million ang views ng vlog ni Donnalyn.

Ipinanganak si Donnalyn sa Hawaii at nagsimulang pasukin ang mundo ng showbiz dito sa Pilipinas noong taong 2008.